Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Ang Aking Buhay Ngayon - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Cristianong Paggalang, 7 Hulyo

    Isang bagong utos ang sa inyo'y ibinibigay Ko, na kayo'y magmahalan sa isa't isa. Kung paanong minahal Ko kayo, magmahalan din kayo sa isa't isa. Juan 13:34BN 101.1

    Napakaliit na pagpapahalaga ang naibibigay sa paggalang. Maraming may mabuting puso ang nagkukulang ng kabutihang asal. Maraming karapat-dapat igalang dahil sa kanilang katapatan at katuwiran ang nagkukulang sa pagkamagiliw. Ang kakulangang ito ay bumabahid sa kanilang sariling kasiyahan at nakababawas sa kanilang paglilingkod sa kapwa. Marami sa pinakamatamis at nakatutulong na karanasan sa buhay ay naisasakripisyo ng mga hindi magalang dahil lamang sa kakulangan ng pag-iisip.BN 101.2

    Ang Banal na Kasulatan ay nagbibigay sa atin ng mga kapuna-punang halimbawa ng tunay na paggalang. Si Abraham ay lalaki ng Diyos. Noong nagtayo siya ng kanyang tolda ay agad niyang binuo ang kanyang dambana para sa pag-aalay at inanyayahan ang Diyos na sumakanya. Si Abraham ay isang magalang na tao. Ang kanyang buhay ay hindi nadudungisan ng pagkamakasarili na kinamumuhian kaninuman at karumaldumal sa paningin ng Diyos. Pansinin ang kanyang gawi noong maghihiwalay sila ni Lot. Bagaman si Lot ay kanyang pamangkin, at higit na mas bata kaysa kanya, at ang karapatan sa unang pagpili ay na kay Abraham, ang paggalang ay nagdala sa kanyang ipagpaliban ang kanyang karapatan, at pahintulutan si Lot na piliin para sa kanyang sarili iyong bahagi ng lupaing minamabuti niya. Masdan siya habang tinatanggap ang tatlong manlalakbay sa kainitan ng araw at nagmamadaling punuan ang kanilang mga pangangailangan. Muli ay tingnan siya habang isinasagawa ang isang transaksyon sa mga anak ni Het para bilhin ang isang libingan para kay Sara. Sa kanyang pagdadalamhati hindi niya nalilimutang maging magalang. Yumuyukod siya sa kanilang harapan bagaman siya ay taong maharlika ng Diyos. Alam ni Abraham kung ano ang totoong paggalang at kung ano ang nararapat para sa kanyang kapwa.BN 101.3

    Dapat tayong maging mapagpaubaya, na laging. . .nagmamatyag para sa mga pagkakataong magpasaya sa kapwa at pagaanin ang kanilang kalungkutan at mga pasanin sa pamamagitan ng mga gawain ng magiliw na kabaitan at maliliit na paghahayag ng pagmamalasakit. Ang maalalahaning pagkamagalang na, pasimula sa ating pamilya, at papalabas, ay nakatutulong na punuin ang kabuuan ng kasiyahan ng buhay.BN 101.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents