Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Ang Aking Buhay Ngayon - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Masayang Pagsasama, 14 Hulyo

    Tayo ay dating magkasamang nag-uusap nang matamis; tayo'y lumalakad na magkasama sa loob ng bahay ng Diyos. Awit 55:14BN 108.1

    Ibigkis mo sa iyong mga anak ang kagandahan ng tahanan at ng iyong pakikisama. Kung gagawin mo ito, hindi nila pagnanasaan ng labis ang pakikisama ng mga kabataan.... Dahil sa mga kasamaang ngayon ay nasa sanlibutan at sa mga pagtatakdang kailangang ipatupad sa mga anak, ang mga magulang ay kailangang magkaroon ng ibayong pagiingat na mailapit sila sa kanilang puso at ipakita sa kanilang nais nilang sila ay mapasaya.BN 108.2

    Hayaang italaga ng mga magulang ang mga gabi sa kanilang mga pamilya. Iwanan ang pagkabalisa at kagulumihanan mula sa gawain. . . . Hayaang ang mga gabi ay magkaroon ng kasiyahan.BN 108.3

    Bumuo kayo ng bilog ng pagbabasa sa tahanan, kung saan ang bawat kaanib ng pamilya ay magsasantabi ng mga kaabalahan sa buong araw at makikiisa sa pag-aaral. Mga ama, ina, mga kapatid na lalaki at babae, malugod ninyong tanggapin ang gawain na ito at tingnan kung hindi magiging malaki ang pagsulong ng iglesia sa inyong tahanan— Tunghayan ninyo ang mga babasahing magbibigay sa inyo ng tunay na kaalaman at makatutulong sa buong pamilya.BN 108.4

    Kung kanilang titipunin ang kanilang mga anak na malapit sa kanila, at ipakita sa kanilang sila ay iniibig, at magpapahayag ng pagmamalasakit sa lahat ng kanilang mga ginagawa, maging sa kanilang palakasan, na kung minsan ay nagiging bata rin sa piling ng mga bata, mapapaligaya nila ang kanilang mga anak at makakamtan ang kanilang pagmamahal at pagtitiwala.BN 108.5

    Pinalaki sa matalino at mapagmahal na paggabay ng isang tunay na tahanan, ang mga anak ay hindi magkakaroon ng pagnanasang gumala palayo sa paghahanap ng kasiyahan at pakikisama. Hindi magiging kaaya-aya sa kanila ang kasamaan. Ang espiritung nangingibabaw sa tahanan ay siyang maghuhulma sa kanilang mga pag-uugali. Makabubuo sila ng mga nakasanayang gawain at mga prinsipyong magiging matibay na pananggalang sa tukso kapag kanilang iiwan na ang tahanan at kukunin ang kanilang lugar sa sanlibutan.BN 108.6

    _______________

    Ang puso ng kabataan ay madaling tumugon sa paghipo ng kahabagan.BN 108.7

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents