Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Ang Aking Buhay Ngayon - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Iniibig ng mga Anak ang Pakikisama ng Kanilang Ina, 12 Hulyo

    Tumatayo ang kanyang mga anak, at tinatawag siyang mapalad, gayundin ang kanyang asawa, at kanyang pinupuri siya. Kawikaan 31:28BN 106.1

    Nararapat na ang tahanan ay maging pinakamasayang lugar sa sanlibutan para sa mga anak, at ang presensya ng ina ang pinakamalaki nitong atraksyon. Ang mga bata ay may sensitibo at maibiging kalikasan. Madali silang pasayahin at madali ring palungkutin. . . .BN 106.2

    Ang mga maliliit na mga bata ay mahilig sa pakikisama, at napakadalang na maging masaya sila sa pagsasarili. Ninanasa nila ang simpatya at paglalambing. Iyong kanilang kinagigiliwan ay iniisip nilang ikatutuwa rin ng ina. . . .BN 106.3

    Imbes na ipadala sila palayo sa kanya para hindi siya magambala ng kanilang ingay o maabala ng kanilang mga maliliit na pangangailangan, hayaang ang mga ina ay magpanukala ng aliwan o magaan na gawain para magamit ang mga aktibong mga kamay at mga isip. Sa pamamagitan ng pagpasok sa kanilang mga damdamin at pangunguna sa kanilang mga katuwaan at mga gawain, makukuha ng ina ang pagtitiwala ng kanyang mga anak. . . . Sa pamamagitan ng matiyaga at mapagmatyag na pag-ibig, maaari niyang maibaling ang mga isip ng kanyang mga anak sa tamang direksyon, na naglilinang sa kanila ng magaganda at nakaaakit na likas.BN 106.4

    Ang mga ina ay dapat magbantay laban sa pagsasanay sa kanilang mga anak na maging palaasa at mayabang. Huwag ipaisip sa kanilang sila ang sentro, at ang lahat ng bagay ay dapat umiikot sa kanila. Ang ilang mga magulang ay nagbibigay ng labis na oras at atensyon sa pagbibigay aliw sa kanilang mga anak, ngunit kinakailangang masanay ang mga bata na pasiyahin ang kanilang mga sarili, na gamitin ang kanilang sariling katalinuhan at kahusayan. Kung magkagayon ay matututo silang masiyahan sa mga payak na katuwaan. Kailangang maturuan silang tanggaping may katapangan ang maliliit nilang mga kabiguan at pagsubok. . . . Mag-aral para magmungkahi ng mga paraan kung saan ang mga bata ay maaaring matututong maging maalalahanin sa kanilang kapwa.BN 106.5

    Makakakita tayo sa Salita ng Diyos ng napakagandang paglalarawan ng isang masayang tahanan at ng asawang babaing namamahala rito: “Tumatayo ang kanyang mga anak, at tinatawag siyang mapalad, gayundin ang kanyang asawa, at kanyang pinupuri siya”BN 106.6

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents