Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Ang Aking Buhay Ngayon - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Pinagkumpara ang mga Buhay Nina Juan at Judas, 11 Setyembre

    Ang sanlibutan at ang pagnanasa nito ay lumilipas, ngunit ang gumagaum ng kalooban ng Diyos ay nananatili magpakailanman. 1 ]uan 2:17BN 167.1

    Si Juan at ang kanyang mga kasamang alagad ay nasa paaralan kung saan si Cristo ang tagapagturo. . . . Pinahalagahan ni Juan ang bawat aralin at palaging nagsisikap na ang buhay niya ay maiangkop sa Banal na Tularan. Ang mga aralin ni Jesus na nagtuturo ng pagiging maamo, pagpapakumbaba, at pag-ibig na kailangan sa paglago sa biyaya at pagiging handa para sa Kanyang gawain ay may pinakamataas na kahalagahan para kay Juan. . . .BN 167.2

    May mahalagang aral na maaaring makuha sa hayag na pagkakaiba sa pagitan ng karakter ni Juan at ni Judas. Si Juan ay buhay na paglalarawan ng pagpapakabanal. Sa kabilang banda, si Judas ay nagtaglay ng anyo ng kabanalan, samantalang ang kanyang karakter ay higit na gaya ng kay Satanas kaysa maka-Diyos. Inangkin niya ang pagiging alagad ni Cristo, ngunit sa salita at sa gawa ay tinatanggihan Siya.BN 167.3

    Si Judas ay nagkaroon din ng gayong mahahalagang mga pagkakataong kagaya ni Juan upang pag-aralan at sundan ang Tularan. Nakinig siya sa mga aralin ni Cristo, at ang kanyang karakter ay maaari sanang nabago ng banal na biyaya. Ngunit samantalang si Juan ay marubdob na nakikidigma sa mga sarili niyang mga kamalian at nagsisikap na maugnay kay Cristo, si Judas naman ay nilalabag ang kanyang konsyensya, na sumusuko sa tukso, at pinapakapit sa kanyang sarili ang nakasanayang pagsisinungaling na siyang maghuhulma sa kanya sang-ayon sa wangis ni Satanas.BN 167.4

    Ang dalawang alagad na ito ay kumakatawan sa mga Cristiano sa sanlibutan—sa lahat ng nag-aangkin ng pagiging tagasunod ni Cristo. Ngunit samantalang ang isang grupo ay lumalakad sa pagpapakumbaba at kaamuhan, na natututo mula kay Jesus, pinapakita ng isa pang grupo na sila ay hindi tagasunod ng Salita, kundi mga tagapakinig lamang. Ang isang grupo ay pinapabanal sa pamamagitan ng katotohanan; ang kabila ay walang nalalaman tungkol sa nakapagpapanibagong kapangyarihan ng banal na biyaya. Ang mga nauna ay araw-araw na namamatay sa sarili, at nananagumpay sa kasalanan. Ang huli ay nagpapakasasa sa kanilang mga sariling pagnanasa, at nagiging mga lingkod ni Satanas.BN 167.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents