Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Ang Aking Buhay Ngayon - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Nobyembre—Nahahanda para sa Tagumpay

    Mangagbihis Kayo ng Buong Kagayakan ng Diyos, 1 Nobyembre

    Mangagbihis kayo ng buong kagayakan ng Diyos, upang kayo'y magsitibay laban sa mga lalang ng diyablo. Sapagkat ang ating pakikibaka ay hindi laban sa laman at dugo, kundi laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga namamahala ng kadilimang ito sa sanglibutan, laban sa mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan. Efeso 6:11, 12BN 218.1

    Hindi ligtas para sa atin, kapag tutungo sa pakikipaglaban, kailangan nating mahandang may buong kasuotan ng Diyos. Kinakailangan ang bawat bahagi.BN 218.2

    Habang nagsisikap na bulagin ni Satanas ang kanilang mga kaisipan sa katotohanan, hindi dapat kalimutan ng mga Cristiano na “ang ating pakikibaka ay hindi laban sa laman at dugo, kundi laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan ng kadilimang ito sa sanglibutan, laban sa mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan.” Naririnig ang banal na babala sa gitna ng mga siglo hanggang sa ating kapanahunan. “Kayo'y maging mapagpigil, kayo'y maging mapagpuyat; ang inyong kalaban na diablo, na gaya ng leong umuungal, ay gumagala na humahanap ng masisila niya.” . . .BN 218.3

    Mula noong mga araw ni Adan hanggang sa ating sariling kapanahunan, ginagamit ng ating dakilang kaaway ang kanyang kapangyarihan upang maniil at manira. Naghahanda Siya ngayon para sa kanyang huling kampanya laban sa iglesia. Ang lahat ng nagsisikap na sumunod kay Jesus ay dadalhin sa pakikipagtunggali sa malupit na kalaban. Habang higit na malapit na tinutularan ng Gristiano ang banal na Tularan, mas tiyak na gagawin niya ang kanyang sarili na tampulan ng mga paglusob ni Satanas.BN 218.4

    Kailangang nakasuot sa atin ang buong kagayakan ng Diyos, at maging handa sa anomang sandali para sa pakikipagtunggali sa mga kapangyarihan ng kadiliman. Kapag dumadaluhong ang mga tukso at pagsubok sa atin, magtungo tayo sa Diyos, at maghirap kasama Niya sa pananalangin. Hindi Niya tayo paaalising walang dala, kundi bibigyan tayo ng biyaya at kalakasan upang manaig, at sirain ang kapangyarihan ng kalaban. Oh, sana makita ng lahat ang mga bagay na ito sa tunay nilang liwanag, at batahin ang kahirapang gaya ng mabubuting mga kawal ni Jesus! Kung magkagayon, ang Israel ay susulong, na matibay sa Diyos, sa kapangyarihan ng Kanyang lakas.BN 218.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents