Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Ang Aking Buhay Ngayon - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Kagalakan, 10 Hulyo

    O ang nangangaral ay sa pangangaral: ang nagbibigay ay magbigay na may magandang-Ioob; ang namumuno ay may pagsisikap; ang mahabagin ay may kasiglahan. Roma 12:8BN 104.1

    Mayroon kang tungkuling dapat gampanan na maging masayahin at maglinang ng kawalang pagkamakasarilli sa iyong mga damdamin hanggang sa ito ay maging iyong pinakamalaking kasiyahang paligayahin ang lahat nang nakapalibot sa iyo....BN 104.2

    Ang kagalakang walang kababawan ay isa sa mga biyayang Gristiano.BN 104.3

    Huwag mong pahintulutang ang mga suliranin at kaabalahan ng pang- araw-araw na kabuhayan ay gumambala sa iyong isipan at lumambong sa iyong noo. Kung pahihintulutan mo ito, palagi kang magkakaroon ng bagay na kaiinisan at ikasasamang loob. Ang buhay ay sang-ayon sa ginagawa natin at makikita natin kung ano ang hinahanap natin. Kapag ang hinanap natin ay kalungkutan at suliranin, kung tayo ay mananatili sa kaisipang nagpapalaki sa mga maliliit na kahirapan, marami ang makikita natin sa mga ito na magpupuno sa ating pag-iisip at pananalita. Ngunit kung tayo ay titingin sa maliwanag na bahagi ng mga bagay- bagay, makahahanap tayo ng sapat para magpasaya at magpaligaya sa atin. Kapag mga ngiti ang ating ibinigay, ibabalik ito sa atin. Kapag tayo ay nangusap ng mabubuti at masayahing mga salita, ang mga ito ay uulitin sa atin.BN 104.4

    Pinag-aralang panukala ni Satanas ang itulak ang mga tao sa isang sukdulan hanggang sa isa pa. Bilang mga anak ng liwanag, nais ng Diyos na palaguin natin ang masayahin at maligayang espiritu upang ating maihayag ang papuri Niyang tumawag sa atin mula sa kadiliman patungo sa Kanyang kagila-gilalas na kaliwanagan.BN 104.5

    Magtungo ka sa bodega sa silong at maaari kang mangusap ng tungkol sa kadiliman, at sabihing, “Hindi ako makakita; Hindi ako makakita.” Ngunit umakyat ka sa silid sa itaas, kung saan sumisinag ang liwanag, at hindi mo kinakailangang manatili sa kadiliman. Magtungo ka kung nasaan si Cristo, at magkakaroon ka ng liwanag.BN 104.6

    Ang mga tapat na mga Cristiano ay nagsisikap na tularan si Cristo, sapagkat ang maging Cristiano ay maging katulad kay Cristo. . . . Ang masaya at handang paglilingkod kay Jesus ay nagbubunga ng maliwanag na relihiyon. . .. Kay Cristo ay may liwanag at kapayapaan at kasiyahang walang hanggan.BN 104.7

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents