Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Kataimtiman, Setyembre 10

    Ang nagsasabing siya'y nananatili sa kanya ay nararapat ding lumakad gaya ng kanyang paglakad. 1 Juan 2:6.KDB 267.1

    Pagkakaroon ng iisang layunin, buong-pusong pagtatalaga sa Diyos, ang siyang kalagayang itinuturo ng mga salita ng Tagapagligtas. Itulot na maging tapat ang layunin at hindi natitinag upang makilala ang katotohanan at tuparin ito anuman ang kapalit, at makatatanggap ka ng banal na kaliwanagan. Nagsisimula ang tunay na kabanalan kapag winawakasan ang lahat ng pakikipagkompromiso sa kasalanan. Kung gayo'y magiging katulad ng kay Pablo ang wika ng puso: “isang bagay ang ginagawa ko . . . nagpapatuloy ako tungo sa mithiin para sa gantimpala ng dakilang pagtawag ng Diyos kay Cristo Jesus.” . . .KDB 267.2

    Ang pagsuko sa tukso ay nagsisimula sa pagpapahintulot sa puso na matinag, ang manghina sa iyong pagtitiwala sa Diyos. Kung hindi natin pipiliing ibigay nang buo ang ating sarili sa Diyos, tayo'y nasa kadiliman. Kapag naglalaan tayo para sa pag-aatubili, nag-iiwan tayo ng bukas na pintuan na maaaring pasukin ni Satanas upang iligaw tayo sa pamamagitan ng kanyang mga tukso. Nalalaman niyang kapag nahadlangan niya ang ating paningin, na anupa't hindi nakikita ng mata ng pananampalataya ang Diyos, hindi magkakaroon ng pangharang laban sa kasalanan.— Thoughts From the Mount of Blessing, pp. 136, 137.KDB 267.3

    Nabubuhay tayo sa mga panahong puno ng kahalagahan para sa bawat isa. Nagniningning nang malinaw ang liwanag na may mga tuloy-tuloy na sinag sa ating paligid. Kapag tinanggap ang liwanag na ito sa tamang paraan at pinahalagahan, magiging pagpapala ito sa atin at sa iba; ngunit kung magtitiwala tayo sa ating sariling karunungan at kalakasan, o sa karunungan at kalakasan ng ating kapwa, magiging lason ito. Sa pakikipagpunyagi para sa buhay na walang hanggan, hindi tayo maaaring sumandig sa isa't isa. Dapat na kainin ng bawat isa ang tinapay ng buhay. Ang bawat isa sa ati'y kailangang kumain nito, upang ang kaluluwa, katawan, at pag-iisip ay mapasiglang muli at mapalakas sa pamamagitan ng kapangyarihan nitong nakapagbabago, nang sa gayo'y nailalakip sa pag-iisip at karakter ni Jesu-Cristo. Dapat na maging una at huli at pinakamabuti ang Diyos sa lahat ng bagay.— Testimonies to Ministers and Gospel Workers, p. 385.KDB 267.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents