Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Pinamamahalaan ng Diyos ang Ating Paglilingkod, Oktubre 4

    Kung magmamagandang-loob ka sa gutom, at iyong tugunin ang nais ng nagdadalamhati, kung magkagayo'y sisilang ang iyong liwanag sa kadiliman, at ang iyong kadiliman ay magiging parang katanghaliang-tapat. Isaias 58:10.KDB 292.1

    Habang ating nakikita ang mga pangangailangan ng mahihirap, walang alam, napipighati, madalas tayong pinanghihinaan ng loob. Nagtatanong tayo, “Anong magagawa ng kakaunti nating kalakasan at kakarampot na pagkukunan upang punan ang malaking pangangailangang ito? Hindi ba tayo maghihintay para sa isang may higit na kakayanan upang patnubayan ang gawain, o isang organisasyon na gaganap dito?” Sinasabi ni Cristo, “Bigyan ninyo sila ng makakain.” Gamitin ninyo ang mga pamamaraan, panahon, at kakayanan na mayroon kayo. Dalhin ninyo ang mga tinapay na sebada kay Jesus.KDB 292.2

    Bagaman hindi sapat ang inyong mga mapagkukunan para pakainin ang libu-libo, sapat naman sila para pakainin ang isa. Sa kamay ni Cristo maaari nilang mapakain ang marami. Gaya ng mga alagad, ibigay ninyo kung ano ang mayroon kayo. Pararamihin ni Cristo ang regalo. Gagantimpalaan Niya ang tapat at payak na pagtitiwala sa Kanya. Iyong tila kakaunti ay magiging mayamang piging.— The Ministry of Healing, pp. 49, 50.KDB 292.3

    Dapat na mapuno ang ating mga puso ng pag-ibig ni Cristo upang mapasigla ang mga puso ng iba sa pamamagitan ng ating mga salita ng pasasalamat. Paglilingkod ito na maaaring gampanan ng lahat, at tinatanggap ito ng Panginoon na tila inihandog sa Kanya mismo. Ginagawa Niya itong mabisa, na nagbibigay sa masigasig na manggagawa ng biyayang pinagkakasundo ang tao at ang Diyos.KDB 292.4

    Nawa'y tulungan ng Panginoon ang Kanyang bayan na mabatid na may mahalagang gawaing kailangang matupad. Nawa'y tulungan Niya silang maalala na sa tahanan, sa iglesya, at sa sanlibutan kailangan nilang gampanan ang mga gawain ni Cristo. Hindi sila pinabayaang gumawa nang mag-isa. Katulong nila ang mga anghel. At katulong nila si Cristo. Kung magkagayo'y tulutan silang gumawa nang tapat at walang kapaguran. Aani sila sa tamang panahon, kung hindi sila panghinaan ng loob.KDB 292.5

    Hindi sumusuko ang mga manlalakbay na Cristiano sa kanyang sariling pagnanasang magpahinga. Sumusulong siya nang tuloy-tuloy, na nagsasabi, “Malalim na ang gabi, at ang araw ay malapit na.”— Testimonies for the Church, vol. 8, p. 18.KDB 292.6

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents