Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Paliwanagin Ninyo ang Inyong mga Ilaw, Oktubre 5

    Paliwanagin ninyo nang gayon ang inyong ilaw sa harap ng mga tao; upang makita nila ang inyong mabubuting gawa, at luwalhatiin nila ang inyong Ama na nasa langit. Mateo 5:16.KDB 293.1

    Sa buong mundo, kinakailangan ang mga sugo ng kahabagan. May panawagan para sa mga pamilyang Cristiano na magtungo sa mga pamayanang nasa kadiliman at kamalian, na magtungo sa mga bukirin sa ibang bansa, na makilala ang mga pangangailangan ng kanilang kapwa, at gumawa para sa Panginoon. Kung maninirahan ang mga pamilyang ito sa mga madidilim na lugar sa lupa, mga lugar kung saan ang mga tao'y nababalot sa kalumbayang espirituwal, at pahintulutan ang liwanag ng buhay ni Cristo na magningning sa pamamagitan nila, anong dakilang gawain ang maaaring magampanan.KDB 293.2

    Nangangailangan ang gawaing ito ng pagsasakripisyo ng sarili. Habang naghihintay ang marami na matanggal ang mga hadlang, napababayaan ang gawaing maaari na nilang gawin, at namamatay ang marami na walang pag- asa at walang Diyos. Nagtutungo ang ilan sa mga lugar na walang tao para sa pakinabang na komersyal o upang magkamit ng karunungang siyentipiko at masayang tinitiis ang pagsasakripisyo at kahirapan; ngunit gaano ngang kakaunti ang handang ilipat ng kanilang mga pamilya sa mga rehiyon na nangangailangan ng ebanghelyo para sa kapakanan ng kanilang kapwa.KDB 293.3

    Ang maabot ang mga tao, saanman sila naroon, at anuman ang kanilang posisyon o kalagayan, at tulungan sila sa anumang paraang maaari—ito ang tunay na paglilingkod. Maaaring makuha ang loob ng mga tao sa pamamagitan ng ganitong paggawa, at magbukas ng pinto o makapasok sa mga kaluluwang nangawaglit.KDB 293.4

    Sa lahat ng iyong ginagawa alalahanin mong nakaugnay ka kay Cristo, kabahagi ng dakilang panukala ng pagtubos. Dapat na umagos sa iyong buhay ang pag-ibig ni Cristo sa agos na nagpapagaling at nagbibigay-buhay. Habang nagsusumikap kang papasukin ang iba sa Kanyang pagmamahal, ang kasiyahan ng iyong pagkilos ay magpapatotoo sa kapangyarihan ng Kanyang biyaya.— The Ministry of Healing, pp. 155, 156.KDB 293.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents