Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Inyong Tingnan ang mga Bukid, Oktubre 24

    Hindi ba sinasabi ninyo, May apat na buwan pa at darating na ang pag-aani? Ngunit sinasabi ko sa inyo, masdan ninyo ang inyong paligid at inyong tingnan ang mga bukid na mapuputi na upang anihin. Juan 4:35.KDB 312.1

    Nabubuksan sa ating harapan ang malalawak na mga teritoryo kung saan hindi pa nakapapasok ang liwanag ng katotohanan. Saanman tayo tumingin makikita natin ang saganang ani na handa ng tipunin, ngunit walang mag-aani. Inihahandog ang mga panalangin para sa tagumpay ng katotohanan. Ano ang ibig sabihin ng inyong mga panalangin, mga kapatid? . . . isang tagumpay na magtataguyod at gagabay sa kanyang sarili na walang paggawa sa iyong bahagi? . . . Kailangang magkaroon ng pagkagising, isang espirituwal na pagsasaayos. Dapat na maitaas ang temperatura ng Cristianong kabanalan.KDB 312.2

    Kailangang maglatag ng mga panukala at maisagawa ang mga ito para sa pagpapalaganap ng katotohanan sa lahat ng mga bansa sa lupa. Pinatutulog ni Satanas ang mga nag-aangking tagasunod ni Cristo, habang nangamamatay ang mga kaluluwa sa kanilang paligid; at anong dahilan ang maibibigay nila sa Panginoon para sa kanilang kapabayaan? . . .KDB 312.3

    May gawain para sa bawat isa na tumatawag sa pangalan ni Cristo. Taimtim kang tinatawagan sa tungkulin ng isang tinig mula sa Kalangitan. Dinggin mo ang tinig na ito, at gumawa ka agad saanmang lugar at sa anumang kakayahan. Bakit nakatayo kayo rito sa buong maghapon na walang ginagawa? May gawain na kailangan ninyong gampanan—isang gawaing nangangailangan ng inyong pinakamabuting kalakasan. May kinalaman ang bawat mahalagang sandali ng buhay sa tungkuling utang ninyo sa Diyos at sa inyong kapwa-tao, ngunit wala pa rin kayong ginagawa!KDB 312.4

    Kinakailangang gawin ang isang dakilang gawain ng pagliligtas ng mga kaluluwa. Sangkot sa gawaing ito ang bawat anghel sa kaluwalhatian, samantalang sinasalungat naman ito ng bawat demonyo sa kadiliman. Ipinakita sa atin ni Cristo ang dakilang kahalagahan ng mga kaluluwa na anupa't dumating Siya sa sanlibutan na may natipong pag-ibig ng kawalang-hanggan sa Kanyang puso, na nag-aalok na gawing tagapagmana ang tao sa lahat ng Kanyang kayamanan.— Testimonies for the Church, vol. 5, pp. 203, 204.KDB 312.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents