Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Naparito si Cristo Upang Tawagin ang mga Makasalanan, Oktubre 21

    Hindi ako naparito upang tawagin ang mga matuwid, kundi ang mga makasalanan. Marcos 2:17.KDB 309.1

    Siyang nagmula sa kalangitan upang maging ating halimbawa ay gumugol ng tatlumpung-taon ng Kanyang buhay sa pangkaraniwan at mano- manong paggawa; ngunit sa panahong ito'y pinag-aaralan Niya ang Salita at mga gawa ng Diyos, at tinutulungan, tinuturuan, ang lahat ng maaabot ng Kanyang impluwensiya. Noong magsimula ang Kanyang pampublikong ministeryo, lumibot Siya na nagpapagaling ng mga may karamdaman, inaaliw ang mga nalulumbay, at ipinangangaral ang ebanghelyo sa mga mahihirap. Ito ang gawain ng lahat ng Kanyang mga tagasunod. . . . Sa pusong nahipo ng Kanyang pag-ibig, may sumisilang na pagnanasang gumawa para sa Kanya. Dapat na pangalagaan at gabayan sa tamang landas ang pagnanasang ito. Maging sa tahanan, sa pamayanan, o sa paaralan, hindi dapat ituring na kamalasan ang paglilingkod sa mahihirap, nagdurusa, mga mangmang, o ng mga sawimpalad, kundi nagbibigay ng mahalagang pagkakataon para maglingkod. Sa gawaing ito, na tulad din sa lahat, nakakamit ang kagalingan sa pamamagitan ng paggawa mismo. Sa pamamagitan ng pagsasanay sa mga pangkaraniwang tungkulin ng buhay at sa paglilingkod sa mga nangangailangan at mahihirap, natitiyak ang kagalingan. Kung wala ito, maging ang mga pagsusumikap na may pinakamabuting layunin ay walang-halaga at makakasama pa nga. Sa tubigan, hindi sa lupa, na dapat matutong lumangoy.— EDUCATION, pp. 267, 268.KDB 309.2

    Ang gawain ni Cristo ay halos binubuo ng mga personal na pakikipag-usap. Mayroon Siyang matapat na pagpapahalaga para sa tagapakinig na nag-iisa; at dinala ng isang kaluluwang iyon sa libu-libo ang karunungang tinanggap niya.— Messages to Young People, p. 203.KDB 309.3

    Tinatanggap ng Diyos ang mga tao sinuman sila, at tinuturuan sila para sa Kanyang paglilingkod, kung magpapasakop sila ng kanilang mga sarili sa Kanya. . . . Ang patuloy na pagtatalaga sa pagitan ni Jesus at ng Kanyang mga alagad ay nagtatatag ng napakalapit na relasyon na anupa't ang Cristiano ay nagiging katulad Niya sa pag-iisip at karakter. Sa pamamagitan ng pagkakaugnay kay Cristo, magkakaroon siya ng mas malinaw at mas malawakang mga pananaw.— The Desire of Ages, p. 251.KDB 309.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents