Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Kanyang Aariing-ganap ang Marami, Oktubre 20

    Kanyang makikita ang bunga ng paghihirap ng kanyang kaluluwa, at masisiyahan sa pamamagitan ng kanyang kaalaman. Aariing-ganap ng matuwid kong lingkod ang marami, at papasanin niya ang kanilang mga kasamaan. Isaias 53:11.KDB 308.1

    Ang tunay na kabanalan ay kabuuan sa paglilingkod ng Diyos. Ito ang kondisyon ng tunay na Cristianong pamumuhay. Humihingi si Cristo ng pagtatalagang walang-pasubali, ng paglilingkod na buo. Hinihingi Niya ang puso, ang pag-iisip, ang kaluluwa, ang kalakasan. Hindi dapat inuuna ang sarili. Hindi Cristiano siyang nabubuhay para sa kanyang sarili. Dapat na pag- ibig ang maging prinsipyo ng pagkilos. Pag-ibig ang prinsipyong nasa ilalim ng pamahalaan ng Diyos sa kalangitan at sa lupa, at dapat itong pundasyon ng karakter ng Cristiano. Ito lamang ang gagawa sa kanya at magpapanatili sa kanya na matatag. Ito lamang ang magbibigay kapangyarihan sa kanya na manindigan sa pagsubok at sa tukso.KDB 308.2

    At mahahayag ang pag-ibig sa pagsasakripisyo. Inilatag ang panukala ng pagtubos sa sakripisyo—isang sakripisyong napakalawak at napakalalim at napakataas na hindi masusukat. Ibinigay ni Cristo ang lahat para sa atin, at silang tumatanggap kay Cristo ay magkakaroon ng kahandaang magsakripisyo ng lahat para sa kanilang Manunubos. Ang pag-iisip para sa Kanyang karangalan at kaluwalhatian ay mauuna kaysa anupamang bagay. Kung minamahal natin si Jesus, mamahalin nating mabuhay para sa Kanya, na ibigay ang ating mga handog ng pasasalamat sa Kanya, at ang gumawa para sa Kanya.— Christ’s Object Lessons, pp. 48, 49.KDB 308.3

    Hindi tatanggap ang Manunubos ng di-buong paglilingkod. Sa bawat araw kailangang matutunan ng manggagawa para sa Diyos ang kahulugan ng pagsuko ng sarili. Kailangan niyang pag-aralan ang Salita ng Diyos, na natututunan ang kahulugan nito at sinusunod ang mga tagubilin nito. Sa ganitong paraan ay maaabot niya ang pamantayan ng Cristianong kahusayan. Gumagawa ang Diyos na kasama siya sa bawat araw, na dinadalisay ang karakter na tatayo sa panahon ng huling pagsubok. Ang isang mananampalatayang nabubuhay sa bawat araw ay gumagawang ukol sa napakahalagang karanasan sa harap ng mga tao at ng mga anghel, na nagpapakita kung ano ang magagawa ng ebanghelyo para sa mga taong nahulog sa pagkakasala.— Gospel Workers, p. 113.KDB 308.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents