Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Mga Sugo ng Diyos, Oktubre 3

    Kung paanong ako'y iyong sinugo sa sanlibutan, sila ay sinugo ko rin sa sanlibutan. Juan 17:18.KDB 291.1

    Ngunit kapag ibinibigay natin ang ating mga sarili nang buong-buo sa Diyos, at sa ating gawain ay sumusunod sa Kanyang mga tagubilin, ginagawa Niya ang Kanyang sarili na may pananagutan upang magampanan ito. Ayaw Niya na tayo'y maging di-sigurado tungkol sa tagumpay ng ating mga tapat na pagsusumikap. Ni minsa'y hindi tayo dapat mag-isip ng pagkabigo. Dapat tayong makipagtulungan sa Kanya na di-nabibigo.KDB 291.2

    Hindi tayo dapat magsalita tungkol sa sarili nating mga kahinaan at kawalang- kakayanan. Ito'y hayagang kawalan ng pagtitiwala sa Diyos, pagkakaila sa Kanyang Salita. Kapag bumubulong-bulong tayo dahil sa ating mga pasanin, o tinatanggihan ang mga pananagutang ipinapapasan Niya sa atin, parang sinasabi natin na Siya'y mahigpit na panginoon, na hinihingi Niya sa atin iyong hindi Niya tayo binigyan ng kakayanang tuparin. . . . Gumagawa ang Diyos sa pamamagitan ng mga taong nais Niya. Kung minsa'y pinipili Niya ang mga pinakaabang mga instrumento upang gampanan ang pinakadakilang gawain; dahil nahahayag ang Kanyang kapangyarihan sa pamamagitan ng kahinaan ng mga tao. Mayroon tayong pamantayan, at sa pamamagitan nito'y kinikilala natin ang isang bagay na dakila at ang isa pa na mahina; ngunit hindi sumusukat ang Diyos sa pamamagitan ng ating pamantayan. . . . Wala sa ating kapangyarihan ang humatol sa ating mga talento o pumili ng ating gawain. Dapat nating dalhin ang mga pasanin na itinatakda ng Diyos, na taglayin ang mga ito para sa Kanya, at palaging umaasa sa Kanya para sa kapahingahan. Anuman ang ating gawain, napararangalan ang Diyos ng taos-puso at masayang paglilingkod. Nagagalak Siya kapag ating tinatanggap ang ating mga tungkulin na may pagpapasalamat, na nagagalak na ibinibilang tayong karapat-dapat na maging kamanggagawang kasama Niya.— Christ’s object Lessons, pp. 363, 364.KDB 291.3

    Natutuwang tinatanggap ni Cristo ang bawat taong nagpapasakop sa Kanya. Dinadala Niya ang tao sa pakikisama sa Diyos, upang maihayag Niya sa sanlibutan ang mga hiwaga ng nagkatawang-taong pag-ibig.— Thoughts From the Mount of Blessing, p. 44.KDB 291.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents