Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Ang Halimbawa ni Cristo, Oktubre 15

    Sinabi sa kanila ni Jesus, Ang pagkain ko ay ang gawin ang kalooban ng nagsugo sa akin at tapusin ang kanyang gawain. Juan 4:34.KDB 303.1

    Hindi kailanman nagkaroon ng mangangaral na katulad ni Cristo. Siya ang karangalan ng kalangitan, ngunit nagpakababa ng Kanyang sarili pars kunin ang ating likas, upang makasalamuha Niya ang tao kung nasaan sila. Sa lahat ng tao, mayaman at mahirap, malaya at alipin, nagdala si Cristo, ang Sugo ng tipan, ng mga pabalita ng kaligtasan. Naging tanyag ang Kanyang pangalan bilang dakilang Manggagamot sa buong Palestina. Nagpuntahan ang mga may karamdaman sa mga lugar na Kanyang dadaanan, upang humingi sa Kanya ng tulong. Pumaroon din ang maraming nasasabik na makarinig ng Kanyang mga salita at makatanggap ng haplos ng Kanyang kamay. Siya ay nagtungo sa bawat lunsod, sa bawat bayan, na ipinangangaral ang ebanghelyo at nagpapagaling ng may sakit—ang Hari ng kaluwalhatian sa mababang likas ng sangkatauhan.KDB 303.2

    Dumalo Siya sa mga taunang kapistahan ng bansa, at nangusap Siya ng mga makalangit na bagay sa karamihang abala sa panlabas na seremonya, na dinadala ang kawalang-hanggan sa kanilang matatanaw. Nagdala Siya sa lahat ng mga kayamanan mula sa kaban ng karunungan. Nagsalita Siya sa kanila sa payak na lengguwahe upang hindi sila magkamali sa pag-unawa. Sa pamamagitan ng mga sarili Niyang pamamaraan, tinulungan Niya ang lahat ng nalulumbay at nahihirapan. Naglingkod Siya sa kaluluwang nabibigatan sa kasalanan na may magiliw at mapitagang biyaya, na nagdadala ng pagpapagaling at kalakasan.— Gospel Workers, pp. 44, 45.KDB 303.3

    Pagbulayan ninyo ang buhay ni Cristo. Nakatayo sa unahan ng sangkatauhan, naglilingkod sa Kanyang Ama, Siya'y halimbawa kung ano ang maaaring makamit ng bawat anak. Ang pagsunod na iniukol ni Cristo sa Diyos ay hinihingi rin Niya sa mga tao ngayon. Naglingkod Siya sa Kanyang Ama na may pag-ibig, kahandaan at kalayaan. . . . Hindi ibinilang ni Cristo na labis ang anumang sakripisyo, na masyadong mahirap ang anumang pagpapagal, upang isakatuparan ang gawaing kailangan Niyang gawin.— Christ’s Object Lessons, p. 282.KDB 303.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents