Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Isang Nakahandang Kaisipan, Oktubre 8

    Sapagkat kung mayroong pagnanais, tinatanggap ang kaloob ayon sa tinataglay, at hindi ayon sa hindi tinataglay. 2 Corinto 8:12.KDB 296.1

    Magiging mapalad ang gantimpalang biyaya para sa kanilang nahubog para sa Diyos sa kapayakan ng pananampalataya at pag-ibig. Sinusukat ang halaga ng paglilingkod sa Diyos sa pamamagitan ng espiritung nagamit sa pagsasagawa, sa halip na sa haba ng panahong ginugol sa paggawa.— Testimonies for the Church, vol. 9, p. 74.KDB 296.2

    Hindi ang haba ng panahong gumawa tayo, kundi ang ating kahandaan at katapatan sa gawain ang dahilan upang maging katanggap-tanggap sa Diyos. Hinihingi ang ganap na pagsuko ng sarili sa lahat ng ating paglilingkod. Higit na nakalulugod sa Diyos ang pinakamaliit na tungkuling ginawa nang taos- puso at may paglimot sa sarili kaysa sa pinakamalaking gawaing nabahiran ng pagkamakasarili. Tinitingnan Niya kung gaano kalaking espiritu ni Cristo ang ating iniingatan, at kung gaano kalaki ang ipinakikita nating pagiging kawangis ni Cristo. Higit na pinahahalagahan Niya ang ipinakikita nating pagmamahal at katapatan sa ating paggawa kaysa sa dami ng ating nagawa.KDB 296.3

    Ito'y kung patay ang pagkamakasarili, kapag iwinaksi ang pakikipagtunggali para sa pangingibabaw, kapag pinupuno ng pagpapasalamat ang puso, at pinababango ng pag-ibig ang buhay, saka lamang nananahan si Cristo ss kaluluwa, at kinikilala tayong mga manggagawang kasama ng Diyos.— GOSPEL WORKERS, pp. 506, 507.KDB 296.4

    Ang manggagawang nagpapakita ng kakulangan ng paggalang, ns nagpapamalas ng kawalan ng pasensya sa kamangmangan o pagiging suwail ng iba, na nagsasalita nang padalus-dalos o kumikilos nang walang pakundangan, ay maaaring magsara ng mga pinto sa puso na anupa't hindi niya sila maaabot.KDB 296.5

    Gaya ng hamog at mahinahong ambon na nahuhulog sa nalalantang mgs halaman, ay nararapat na mahulog din nang malumanay ang mga salita kapag nagsusumikap na iligtas ang mga tao mula sa pagkakamali. Panukala ng Diyos na abutin muna ang puso.— The Ministry of Healing, p. 157.KDB 296.6

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents