Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Katapangan, Oktubre 13

    Sapagkat hindi ko ikinahihiya ang ebanghelyo; sapagkat ito ang kapangyarihan ng Diyos para sa kaligtasan ng bawat sumasampalataya, una'y sa Judio at gayundin sa Griyego. Roma 1:16.KDB 301.1

    Hindi magagamit ng Diyos ang mga taong, sa panahon ng panganib, kung kailan kailangan ang kalakasan, tapang, at impluwensiya ng lahat, ay natatakot na manindigang matibay para sa tama. Tinatawagan Niya ang mga taong tapat na makikidigma laban sa mali, na lumalaban sa mga pinuno at kapangyarihan, at laban sa mga kapangyarihang di-nakikita na naghahari sa sanlibutan sa kadilimang ito, laban sa hukbong espirituwal ng kasamaan sa kalangitan. Sa mga ganitong tao Niya sasabihin ang mga salitang: “Magaling! Mabuti at tapat na alipin; . . . Pumasok ka sa kagalakan ng iyong Panginoon.”— Prophets and Kings, p. 142.KDB 301.2

    Kailangan ang pag-asa at tapang upang maging dalisay ang paglilingkod sa Diyos. Ito ang mga bunga ng pananampalataya. Makasalanan at hindi makatuwiran ang kawalan ng pag-asa. May kakayanan ang Diyos at nakahanda Siyang magbigay nang “higit na sagana” sa Kanyang mga lingkod ng kalakasang kailangan nila para sa pagsusulit at pagsubok. Ang mga plano ng kalaban ng Kanyang gawain ay tila mahusay ang pagkakalatag at matibay na naitatag; ngunit magagawang gapiin ng Diyos ang pinakamalakas sa mga ito. At ginagawa Niya ito sa Kanyang sariling panahon at paraan, kapag nakitang nasubok na nang sapat ang pananampalataya ng Kanyang mga lingkod.— Ibid., p. 164.KDB 301.3

    Sa pamamagitan ng katapatan sa mga prinsipyo ng pagpipigil na ipinakita ng mga kabataang Hebreo, nagsasalita ang Diyos sa mga kabataan ngayon. Kailangan na ang mga lalaki na gaya ni Daniel ay gumawa at mangahas para sa tama. Kailangan ang mga dalisay na puso, malalakas na kamay, at walang takot na katapangan; dahil ang pakikidigma sa pagitan ng kasamaan at kabutihan ay nananawagan para sa walang tigil na pagbabantay. Dumarating si Satanas sa bawat kaluluwa na may tuksong nasa mga nakaaakit na anyo sa punto ng pagbibigay-hilig sa panlasa. . . . Nakasalig sa mga batas na hindi nababago ang kapangyarihan ng pag-iisip, lakas ng pangangatawan, at haba ng buhay. Sa pamamagitan ng pagsunod sa mga batas na ito, maaaring tumayo ang tao bilang mananagumpay laban sa kanyang sarili.— Ibid., pp. 488, 489.KDB 301.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents