Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Kasiyahan, Setyembre 15

    Ngunit hayaan mong magalak ang lahat ng nanganganlong sa iyo, hayaan mo silang umawit sa kagalakan at sila nawa'y ipagsanggalang mo, upang dakilain ka ng mga umiibig sa pangalan mo. Awit 5:11.KDB 272.1

    Ang lahat ng iyong kasiyahan, kapayapaan, katuwaan, at tagumpay sa buhay na ito ay nakasalalay sa tunay at nagtitiwalang pananampalataya sa Diyos. Mag-uudyok ang pananampalatayang ito ng tunay na pagsunod sa mga utos ng Diyos. Ang iyong kaalaman at panananampalataya sa Diyos ay pinakamalakas na motibo sa lahat ng kabutihan, at pampigil mula sa bawat masamang gawa.KDB 272.2

    Manampalataya kay Jesus bilang Isang nagpapatawad sa iyong mga kasalanan, Isang nagnanasa na kayo'y maging masaya sa mga tirahang Kanyang inihanda para sa inyo. Ninanais Niyang kayo'y mamuhay sa Kanyang presensya; na magkaroon ng buhay na walang hanggan at isang putong ng kaluwalhatian.— Messages to Young People, p. 410.KDB 272.3

    Anumang ginagawa para sa kaluwalhatian ng Diyos ay dapat gawin na may kasiyahan, hindi nang may kalungkutan at kalumbayan. Walang anumang mapanglaw sa relihiyon ni Jesus. Kung nagbibigay ang mga Cristiano ng impresyon sa pamamagitan ng malungkot na saloobin na sila'y nabigo sa kanilang Panginoon, sinisiraan nila ang Kanyang karakter, at nagbibigay ng mga argumento sa bibig ng Kanyang mga kaaway. Bagaman sa salita kanilang inaangkin ang Diyos bilang kanilang Ama, ngunit sa kalungkutan at kalumbayan ipinakikita nila sa sanlibutan ang panig ng mga ulila.KDB 272.4

    Ninanais ni Cristo na makitang kaaya-aya ang paglilingkod sa Kanya, na gayon naman talaga. Ilahad sa maibiging Tagapagligtas ang mga pagtanggi sa sarili at mga lihim na pagsubok. Iwanan sa Kanyang paanan ang mga pasanin, at humayong nagbubunyi sa Kanyang pag-ibig na unang umibig sa inyo. Maaaring hindi malaman ng mga tao ang gawaing lihim na nagaganap sa pagitan ng kaluluwa at ng Diyos, ngunit ang bunga ng paggawa ng Espiritu sa puso ay mahahayag sa lahat; sapagkat Siyang “nakakakita ng mga lihim ay gagantimpalaan ka”— Thoughts From the Mount of Blessing, p. 88.KDB 272.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents