Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Isang Buong-pusong Saloobin, Oktubre 9

    Anuman ang inyong ginagawa, ay inyong gawin ng buong puso, na gaya ng sa Panginoon, at hindi sa mga tao; yamang inyong nalalaman na sa Panginoon ay tatanggapin ninyo ang gantimpalang mana. Paglingkuran ninyo ang Panginoong Jesu-Cristo. Colosas 3:23, 24.KDB 297.1

    Kailangang maging higit na buong-puso, ganap, at lubos ang iyong paglilingkod sa gawain ng Diyos. Hindi magagawang ganap ang Cristianong karakter sa pamamagitan ng paglilingkod sa Diyos kung kailan mo gusto, at kinaliligtaan ito kapag ayaw mo.— Testimonies for the Church, vol. 4, p. 215.KDB 297.2

    Silang humahayo sa espiritu ng Panginoon, na nagsusumikap na maabot ang mga kaluluwa dala ang katotohanan, ay hindi masusumpungang nakababagot at di-kawili-wili ang gawain ng paglalapit ng mga kaluluwa kay Cristo. Nabigyan sila ng tungkulin bilang magsasaka ng Diyos, at lalo silang napalalakas habang ibinibigay nila ang kanilang sarili sa paglilingkod sa Diyos. Masayang gawain ang magbukas ng Kasulatan sa iba.KDB 297.3

    Dapat maturuan ang mga kabataang lalaki at babae na maging manggagawa sa sarili nilang pamayanan at sa ibang lugar. Itulot na ibigay ng lahat ang kanilang mga puso't isipan na maging matalino tungkol sa gawain para sa kapanahunang ito, na ginagawa silang marapat gawin ang mga gawaing naaangkop sa kanila.KDB 297.4

    Dapat na sanayin para sa paglilingkod ang maraming mga kabataang lalaki na nagkaroon ng wastong uri ng edukasyon sa tahanan at himukin silang itaas ang pamantayan ng katotohanan sa mga bagong lugar sa pamamagitan ng mahusay na paghahanda at tapat na paggawa. . . . Habang pinagkakaisa nila ang kanilang gawain sa gawain ng mga higit na nakatatandang manggagawa, na ginagamit nang pinakamabuti ang kanilang kabataang kasiglahan, sasamahan sila ng mga anghel; at bilang mga kamanggagawa ng Diyos, pribilehiyo nilang umawit at manalangin at manampalataya, at gumawa na may katapangan at kalayaan.— Ibid., vol. 9, pp. 118, 119.KDB 297.5

    Dapat na ibigay natin ang ating sarili sa paglilingkod sa Diyos, at dapat nating sikaping gawing pinakadalisay ang handog.— Patriarchs and Prophets, p. 352.KDB 297.6

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents