Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Katapatan Hanggang sa Kamatayan, Setyembre 13

    Kaya't sumagot si Pablo, Anong ginagawa ninyo, nag-iiyakan kayo at dinudurog ang aking puso? Handa ako na hindi lamang gapusin, kundi mamatay rin naman sa Jerusalem dahil sa pangalan ng Panginoong Jesus. Gawa 21:13.KDB 270.1

    Sa panahon ng huling paglilitis ni Pablo sa harapan ni Nero, labis na humanga ang emperador sa puwersa ng mga salita ng apostol, na anupa't kanyang ipinagpaliban ang desisyon ng kaso, na hindi pinawawalang- sala o kinukondena ang naparatangang lingkod ng Diyos. Ngunit hindi nagtagal ay bumalik ang masamang hangarin ng emperador laban kay Pablo. . . . Hindi nagtagal pagkatapos nito, iginawad ni Nero ang hatol na nagpataw kay Pablo ng kamatayan ng isang martir. Dahil hindi maaaring pahirapan ang isang mamamayang Romano, hinatulan siyang pugutan ng ulo. Dinala si Pablo nang palihim sa lugar kung saan siya papatayin. Iilan lamang ang pinahintulutang sumaksi; dahil nababahala ang mga umuusig sa kanya, na sa lawak ng kanyang impluwensiya, ay maaaring makahikayat sa Cristianismo ang tanawin ng kanyang kamatayan. . . .KDB 270.2

    Higit sa isa ang tumanggap sa Tagapagligtas na pinangaralan ni Pablo, at hindi nagtagal ay walang takot na tinatakan ang kanilang pananampalataya ng kanilang dugo. . . . Dala ni Pablo ang kapaligiran ng langit. Naramdaman ng lahat ng nakasalamuha niya ang impluwensiya ng kanyang pakikiisa kay Cristo. Nagbigay ng nakakukumbinsing kapangyarihan sa kanyang pangangaral ang katotohanang inihalimbawa ng kanyang sariling buhay. Dito nakasalalay angkapangyarihan ng katotohanan....KDB 270.3

    Tumitingin ang apostol sa malawak na hinaharap, na hindi taglay ang kawalang katiyakan o pangamba, kundi ang masayang pag-asa at umaasang pananabik. Habang nakatayo siya sa lugar ng pagkamartir, hindi tabak ng tagapuksa ang kanyang nakikita o ang lupang di-magtatagal ay tatanggap sa kanyang dugo; tumingala siya sa mapayapang kalangitang kulay asul ng araw na iyon sa tag-init tungo sa trono ng Walang-hanggan. . . . Si Pablo ay may saksi sa kanyang sarili na ang kanyang kaluluwa'y mahalaga sa paningin ng kanyang Manunubos. —The Acts of the Apostles, pp. 509-512.KDB 270.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents