Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Siya ang Nakaupo sa Balantok ng Lupa, Disyembre 7

    Siya ang nakaupo sa balantok ng lupa, at ang mga naninirahan doon ay parang mga balang; siyang naglaladlad ng langit na parang tabing, at inilaladlad ang mga iyon na parang tolda upang tirahan. Isaias 40:22.KDB 358.1

    Siyang naghahari sa kalangitan ay Siyang nakakikita ng wakas mula sa pasimula—Siya na nakalatag sa Kanyang harapan ang parehong mga hiwaga ng nakalipas at ng hinaharap, at kung sino, sa kabila ng kalungkutan at kadiliman at kasiraan na dulot ng kasalanan, ay nakikita ang nagawa ng Kanyang sariling mga layunin ng pag-ibig at pagpapala. Bagaman “nasa palibot niya ang mga ulap at pusikit na kadiliman; ang saligan ng kanyang trono ay katuwiran at kahatulan.” At ito'y mauunawaan balang araw ng kapwa tapat at hindi tapat na naninirahan sa sansinukob. “Ang Kanyang gawa ay sakdal; sapagkat lahat ng kanyang daan ay katarungan. Isang Diyos na tapat at walang kasamaan, siya ay matuwid at banal.”— Patriarchs and Prophets, p. 43.KDB 358.2

    Ang Diyos ay ating Ama, na nagmamahal at nag-aaruga sa atin bilang Kanyang mga anak; Siya rin ang dakilang Hari ng sansinukob. Ang mga isinasaalang-alang ng Kanyang kaharian ay siyang ating isasaalang-alang, at tayo'y kailangang gumawa para sa pagtatayo nito.— Thoughts From the Mount of Blessing, p. 107.KDB 358.3

    Para sambahin ang pangalan ng Panginoon ay kinakailangang ang mga salitang ating binibigkas sa Kataastaasan ay bibigkasing may paggalang. “Banal at kagalang-galang ang kanyang pangalan.” Kailanman ay hindi dapat natin pinawawalang-bahala ang mga titulo o pangalan ng Diyos. Sa panalangin, papasok tayo sa tanggapan ng Kataastaasan; at dapat tayong lumapit sa Kanyang harapan na may banal na pagkamangha. Tinatakpan ng mga anghel ang kanilang mga mukha sa Kanyang presensya. Ang mga kerubin at ang maliwanag at banal na mga serafin ay lumalapit sa Kanyang trono na may banal na paggalang. Gaano pa kaya tayo na mga mortal at makasalanang nilalang na dapat lumapit sa mapitagang paraan sa harapan ng Panginoon, ang ating Manlalalang!— Ibid., p. 106.KDB 358.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents