Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Pagtatalaga ni Eliseo, Setyembre 30

    Kanyang iniwan ang mga baka, patakbong sumunod kay Elias, at sinabi, Hayaan mong hagkan ko ang aking ama at aking ina, pagkatapos ay susunod ako sa iyo. At sinabi niya sa kanya, Bumalik ka uli, sapagkat ano bang ginawa ko sa iyo? 1 Hari 19:20.KDB 287.1

    Hindi ito pagtataboy, kundi pagsubok sa pananampalataya. Kailangang tuusin ni Eliseo ang halaga—magpasya para sa kanyang sarili na tanggapin o tanggihan ang panawagan. Kung ang kanyang pagnanasa ay nakakapit sa tahanan at sa mga pakinabang nito, malaya siyang manatili roon. Ngunit naunawaan ni Eliseo ang kahulugan ng panawagan. Batid niyang ito'y nagmula sa Diyos, at hindi siya nagdalawang-isip na sumunod. Hindi niya babalewalain ang pagkakataong maging sugo ng Diyos para sa anumang makalupang pakinabang, o isasakripisyo ang pribilehiyong makisama sa Kanyang lingkod.KDB 287.2

    “Kanyang kinatay ang mga iyon at inilaga ang laman sa pamamagitan ng mga pamatok ng mga baka. Ibinigay niya iyon sa taong-bayan at kanilang kinain. Pagkatapos, tumindig siya at sumunod kay Elias, at naglingkod sa kanya.” Walang pag-aatubiling iniwan niya ang isang tahanan kung saan siya'y minahal, upang maglingkod sa propeta sa kanyang buhay na walang katiyakan.KDB 287.3

    Kung tinanong ni Eliseo si Elias kung ano ang kailangan niyang gawin,—kung ano ang magiging gawain niya,—sasagutin sana siya: Alam ng Diyos; ipapaalam Niya sa iyo. Kung maghihintay ka sa Panginoon, sasagutin Niya ang bawat katanungan mo. Maaari kang sumama sa akin kung mayroon kang patotoo na tinawagan ka ng Diyos. Alamin mo na nasa likod ko ang Diyos, at tinig Niya ang iyong naririnig. Kung ipalalagay mo ang lahat ng bagay bilang di-mahalaga upang makamit mo ang pagpapala ng Diyos, halika.— Prophets and Kings, pp. 220, 221.KDB 287.4

    Para sa iyong pangkasalukuyan at pang walang-hanggang kapakanan, makabubuting italaga mo nang buo ang iyong sarili sa tama, upang malaman ng sanlibutan kung saan ka nakatayo.— Messages to Young People, p. 28.KDB 287.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents