Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Nangunguna ang Diyos, Setyembre 17

    At kanyang inilabas na may kagalakan ang kanyang bayan, at ang kanyang hinirang na may pag-aawitan. At ibinigay niya sa kanila ang mga lupain ng mga bansa; at inangkin nila ang paggawa ng mga tao, upang kanilang ingatan ang kanyang mga tuntunin, at ang kanyang mga kautusan ay sundin. Purihin ang PANGINOON! Awit 105:43-45.KDB 274.1

    Ang ulap na naging pader ng kadiliman sa mga Ehipcio ay dakilang kaliwanagan para sa mga Hebreo, na nililiwanagan ang buong kampamento, at nagbibigay liwanag sa landas na nasa kanilang harapan. Kaya ang mga pakikitungo ng Maykapal ay nagdadala sa di-sumasampalataya ng kadiliman at kabiguan, samantalang sa sumasampalatayang kaluluwa ang mga ito'y puno ng liwanag at kapayapaan. Ang landas kung saan nangunguna ang Diyos ay maaaring nasa gitna ng ilang o ng dagat, ngunit ito'y ligtas na landas.— Patriarchs and Prophets, p. 290.KDB 274.2

    Hindi pangungunahan ng Diyos ang Kanyang mga anak malibang piliin nilang mapangunahan, kung makikita nila ang wakas mula sa pasimula, at maunawaan ang kaluwalhatian ng layunin na kanilang ginagampanan bilang kamanggagawa Niya. Hindi si Enoc, na dinala sa langit, hindi si Elias, na umakyat sa langit sa karwaheng apoy, ang mas dakila o higit na pinarangalan kaysa kay Juan Bautista, na namatay mag-isa sa kulungan. “Sapagkat sa inyo'y ipinagkaloob alang-alang kay Cristo, hindi lamang ang manampalataya sa Kanya, kundi ang magtiis din naman alang-alang sa Kanya.” At sa lahat ng mga kaloob na maaaring ibigay ng Kalangitan sa mga tao, ang pakikisama sa mga paghihirap ni Cristo ang pinakamahalagang ipinagkatiwala at pinakamataas na karangalan.— The Desire of Ages, p. 225.KDB 274.3

    Ang pakikitungo ng Diyos sa Kanyang bayan ay dapat inuulit-ulit. Gaano ngang kadalas itayo ng Diyos ang mga gabay sa Kanyang pakikitungo sa matandang Israel! Baka malimutan nila ang kasaysayan ng nakalipas, inutusan Niya si Moises na isulat ang mga pangyayaring ito bilang awit, upang maituro ng mga magulang sa kanilang mga anak.— Testimonies for the Church, vol. 6, pp. 364, 365.KDB 274.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents