Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Pagtatalaga ni Jesus, Setyembre 24

    At palibhasa'y natagpuan sa anyo ng tao, siya'y nagpakababa sa kanyang sarili, at naging masunurin hanggang sa kamatayan, maging sa kamatayan man sa krus. Filipos 2:8.KDB 281.1

    Dinala ni Jesus ang napakabigat na pasanin ng pananagutan para ss kaligtasan ng tao. Nalalaman Niyang malibang magkaroon ng desididong pagbabago sa mga prinsipyo at layunin ng sangkatauhan, ang lahat ay mapapahamak. Ito ang pasanin ng Kanyang kaluluwa, at walang makauunawa sa bigat na nakaatang sa Kanya. Sa pagkabata, kabataan, at pagtanda, lumakad Siyang mag-isa. Ngunit langit ang makapiling Siya. Sa bawat araw ay hinarap Niya ang mga pagsubok at tukso; sa bawat araw ay nakasalamuha Niya ang kasamaan, at nasaksihan ang kapangyarihan nito sa kanilang pinagsisikapan Niyang pagpalain at iligtas. Ngunit hindi Siya nabigo o pinanghinaan ng loob.KDB 281.2

    Sa lahat ng bagay mahigpit Niyang ipinasakop ang mga ninanais Niya sa Kanyang misyon. Niluwalhati Niya ang Kanyang buhay sa pamamagitan ng pagpapasailalim ng lahat ng bagay sa kalooban ng Kanyang Ama. Noong Kanyang kabataan, natagpuan Siya ng Kanyang ina sa paaralan ng mga guro, at nagsabi ng ganito, “Anak, bakit ginawa Mo sa amin ang ganito?” Sumagot Siya, at ang Kanyang tugon ay ang pinakasusi sa buong buhay Niyang gawain, “Bakit ninyo Ako hinahanap? Hindi ba ninyo nalalaman na dapat ay nasa bahay Ako ng aking Ama?”— Gospel Workers, p. 42.KDB 281.3

    Ang gayunding pagmamahal, ang gayunding pagtatalaga, ang gayunding pagpapasakop sa mga hinihingi ng Salita ng Diyos, na nahayag sa buhay ni Cristo, ay kailangang makita sa Kanyang mga lingkod. Iniwan Niya ang Kanyang tahanan ng kapanatagan at kapayapaan, iniwan ang kaluwalhatian na Kanyang tinataglay kasama ng Ama bago pa lalangin ang sanlibutan, iniwan ang Kanyang posisyon sa trono ng sansinukob, at humayo, isang nagdurusa at natutuksong tao; humayo sa pag-iisa, upang maghasik na may luha, upang diligin ng Kanyang dugo ang binhi ng buhay para sa sanlibutang nawaglit.— Ibid., pp. 111, 112.KDB 281.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents