Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Hawakan Mong Mabuti ang Turo, Abril 30

    Hawakan mong mabuti ang turo; huwag mong bitawan; siya'y iyong ingatan, sapagkat siya'y iyong buhay. Kawikaan 4:13.KDB 129.1

    Nasa iyo ang Salita ng buhay na Diyos, at maaaring mapasaiyo ang kaloob ng Banal na Espiritu kung iyong hihingin upang gawing kapangyarihan ang Salitang iyon sa kanilang nananampalataya at sumusunod. Gawain ng Banal na Espiritu na gumabay tungo sa lahat ng katotohanan. Kung umaasa ka sa Salita ng buhay na Diyos sa iyong puso, at isip, at kaluluwa, hindi mahahadlangan ang pamamaraan ng pakikipag-ugnayan. Bibigyan ka ng malalim at masikap na pag-aaral ng Salita sa ilalim ng gabay ng Banal na Espiritu ng sariwang manna, at gagawing mabisa ng parehong Espiritu ang paggamit nito. Gagantimpalaan ang mga pagsisikap ng mga kabataan upang disiplinahin ang pag-iisip para sa mataas at banal na adhikain. Silang nagsisikap na may pagtitiyaga sa direksyong ito, na pinag-iisipan ang gawain ng pag-unawa sa Salita ng Diyos, ay mahahanda bilang mga manggagawang kasama ng Diyos.KDB 129.2

    Kinikilala ng sanlibutan bilang mga guro ang ilang hindi iniindorso ng Diyos bilang mga ligtas na tagapagturo. Itinatakwil ng mga ito ang Biblia, at inirerekomenda ang mga di-mananampalatayang may-akda na para bang naglalaman sila ng mga damdaming dapat maging bahagi ng karakter. Anong maaasahan mo mula sa ganitong uri ng paghahasik ng binhi? Sa pag-aaral sa mga di-kanais-nais na mga aklat na ito, napasasama ang mga pag-iisip ng mga guro gayon din ng mga mag-aaral, at inihahasik ng kaaway ang kanyang masamang damo. Hindi dapat ito mangyari. Sa pamamagitan ng pag-inom sa maruming bukal, nakapapasok ang lason sa sistema. Nakatatanggap ng mga pahiwatig ang mga kabataang walang karanasan mula sa linyang ito ng pag-aaral na nagdadala sa kanilang mga pag- iisip sa mga daluyang pumapatay sa kabanalan. . . . Hindi ligtas ang kaluluwa malibang nasa ilalim ng banal na paggabay. Sa ganito ay madadala ito sa lahat ng katotohanan.— Testimonies for the Church, vol. 6, pp. 163-167.KDB 129.3

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents