Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Ang Diyos ang Aking Kalasag, Setyembre 18

    Bawat salita ng Diyos ay subok na totoo, siya'y kalasag sa kanila na kumakanlong sa kanya. Kawikaan 30:5.KDB 275.1

    Ang bayan ng Diyos na nag-iingat sa kautusan ay tumatayo sa ilalim ng malapad na kalasag ng Makapangyarihan sa Lahat.KDB 275.2

    “Siyang naninirahan sa tirahan ng Kataas-taasan, ay mananatili sa lilim ng Makapangyarihan, sasabihin ko sa Panginoon, Aking muog at aking kanlungan, aking Diyos na siya kong pinagtitiwalaan. Sapagkat ililigtas ka Niya sa bitag ng maninilo, at sa nakakamatay na salot. Kanyang tatakpan ka ng mga bagwis Niya, at sa ilalim ng Kanyang mga pakpak ay manganganlong ka;ang Kanyang katapatan ay baluti at panangga.” —Testimonies for the Church, vol. 8, p. 120.KDB 275.3

    Ang langit at lupa ay nasa ilalim ng pamamahala ng Diyos, at nalalaman Niya kung ano ang kailangan natin. Nakikita lamang natin ang maliit na landas sa ating harapan; ngunit “ang lahat ng mga bagay ay hubad at hayag sa mga mata Niya na ating pagsusulitan.”KDB 275.4

    Sa ibabaw ng mga kaabalahan ng mundong ito nakaupo Siya sa Kanyang trono; hayag ang lahat ng bagay sa Kanyang banal na paningin; at mula sa Kanyang dakila at payapang kawalang-hanggan iniuutos Niya ang nakikita Niyang pinakamabuti.KDB 275.5

    Ni isa mang maya ay hindi nahuhulog sa lupa na di-napapansin ng Ama. Ang galit ni Satanas laban sa Diyos ay nagdudulot sa kanyang wasakin maging ang pinakamahinang nilalang. Tanging sa pamamagitan lamang ng pag-iingat ng Diyos na ang mga ibon ay napananatili upang pasayahin tayo ng kanilang mga awit ng kagalakan. Ngunit hindi Niya nakalilimutan maging ang mga maya.— Ibid., pp. 272, 273.KDB 275.6

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents