Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Iniingatan at Ginagabayan Tayo ng mga Anghel, Disyembre 16

    Aking isinusugo ang isang anghel sa unahan mo, upang ingatan ka sa daan, at upang dalhin ka sa dakonq akinq inihanda. Exodo 23:20.KDB 367.1

    Silang tumukso sa diyablo upang tuksuhin sila ay kakailanganing gumawa ng matinding pagsisikap upang mapalaya ang kanilang sarili mula sa kanyang kapangyarihan. Ngunit kapag nagsisimulang gumawa para sa kanilang sarili, darating ang mga anghel ng Diyos na kanilang pinighati upang tulungan sila. Ayaw ni Satanas at ng kanyang mga anghel na mawala sa kanila ang kanilang biktima. Nakikipaglaban at nakikidigma sila sa mga banal na anghel, at matindi ang tunggalian. Ngunit kapag nagpapatuloy na magsumamo silang nagkasala, at sa malalim na pagpapakumbaba ay ikumpisal ang kanilang mga kamalian, ang mga anghel na may labis na kalakasan ay mangingibabaw at aagawin sila sa kapangyarihan ng masasamang anghel.— Testimonies for the Church, vol. 1, p. 301.KDB 367.2

    Madalas na iniisip ng ina na ang kanyang gawain ay hindi mahalagang paglilingkod. Ito'y gawain na madalang na pinapahalagahan. Kakaunti ang nalalaman ng iba tungkol sa maraming mga kaabalahan at pasanin. Napupuno ang kanyang mga araw ng maraming mga maliliit na tungkulin, na lahat ay nangangailangan ng matiyagang pagsisikap, ng pagpipigil sa sarili, ng pagiging maparaan, karunungan, at pagmamahal na nagsasakripisyo ng sarili; ngunit hindi niya maipagmamalaki ang kanyang nagawa bilang malaking nakamtan. Napanatili lamang niya sa mabuting pagtakbo ang tahanan. . . . Nararamdaman niyang wala siyang nagawa. Ngunit hindi gayon. Minamatyagan ng mga makalangit na anghel ang nahahapong ina, na pinapansin ang mga pasaning dinadala niya sa bawat araw. Maaaring hindi nakilala ang pangalan niya sa sanlibutan, ngunit ito'y nakasulat sa aklat ng buhay ng Kordero.— Counsels to Parents, Teachers, and Students, p. 144.KDB 367.3

    Bagaman hindi nalalaman ng mga tagapanguna ng sanlibutang ito, ngunit madalas sa kanilang mga kapulungan ay naging tagapagsalita ang mga anghel. Tiningnan sila ng mga mata ng mga tao; napakinggan ng mga tainga ng mga tao ang kanilang mga pagsusumamo; nilabanan ng mga labi ng mga tao ang kanilang mga mungkahi at minaliit ang kanilang mga payo; sinalubong sila ng mga kamay ng mga tao na may pang-aalipusta at pagmamalupit.— The Great Controversy, p. 632.KDB 367.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents