Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Isang Malinis na Konsyensya, Setyembre 11

    Dahil dito'y lagi akong nagsisikap na magkaroon ng isang malinis na budhi sa Diyos at sa mga tao. Gawa 24:16.KDB 268.1

    Mga kapatid, tinatawagan kayo ng Panginoon na suriing mabuti ang inyong puso. Tinatawagan Niya kayo na gawing hiyas ang katotohanan sa inyong pang-araw-araw na gawain, at sa lahat ng inyong pakikitungo sa isa't isa. . . . Mapanganib para sa inyo na maliitin ang mga banal na hinihingi ng konsyensya Araw-araw ka bang natututo sa paaralan ni Cristo—natututo kung paano alisin ang pag-aalinlangan at masasamang pagpapalagay, natututo kung paano maging patas at marangal sa iyong mga pakikitungo sa iyong mga kapatid, para sa sarili mong kapakanan, at sa kapakanan ni Cristo?— Testimonies for the Church, vol. 8, p. 195.KDB 268.2

    Ang lahat ng maglilingkod sa Diyos na walang pangamba sa masamang araw na iyon sang-ayon sa itinuturo ng konsyensya ay mangangailangan ng katapangan, katatagan, at kaalaman ng Diyos at ng Kanyang Salita; sapagkat silang tapat sa Diyos ay uusigin, mamasamain ang kanilang mga motibo, bibigyan ng maling pakahulugan ang pinakamabuti nilang mga pagsisikap, at itatakwil ang kanilang pangalan bilang masasama. Gagawa si Satanas gamit ang kanyang mapandayang kapangyarihan upang impluwensiyahan ang puso at palabuin ang pag-unawa, upang gawing tila masama ang mabuti, at mabuti ang masama. Habang mas malakas at mas dalisay ang pananampalataya ng bayan ng Diyos, at mas matibay ang kanilang determinasyon na sundin Siya, higit na mabangis na magsisikap si Satanas na gisingin laban sa kanila ang galit nilang . . . niyuyurakan ang kautusan ng Diyos.— The Acts of the Apostles, p. 431.KDB 268.3

    Dapat na isagawa ang ating mga pagtitipon at dapat tayong kumilos upang sa ating pagbalik sa ating mga tahanan maaari nating mapanatili ang konsyensyang malaya sa paglabag sa Diyos at sa tao; isang kamalayang hindi natin nasugatan sa anumang paraan ang sinumang ating nakasalamuha, o nagkaroon man ng nakasisirang impluwensiya sa kanila.— Messages to Young People, pp. 385, 386.KDB 268.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents