Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Sa Paghayo Ninyo, Oktubre 22

    Kaya't sa paghayo ninyo, gawin ninyong alagad ang lahat ng mga bansa, bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.Mateo 28:19.KDB 310.1

    Ang pagpapahayag ng ebanghelyo ang siyang dakilang misyonerongkatangian ng kaharian ni Cristo. . . . Dapat na isulong ng mga alagad anggawain sa pangalan ni Cristo. Dapat na maghatid ng pansin sa pangalan Niya ang kanilang bawat salita at gawa, na bilang nagtataglay ng buhay na kapangyarihan na sa pamamagitan nito'y maliligtas ang mga makasalanan. Dapat na maisentro ang kanilang pananampalataya sa Kanya na Siyang bukal ng habag at kapangyarihan. Sa Kanyang pangalan ay dapat na ibigay nila ang kanilang mga kahilingan sa Ama, at makatatanggap sila ng tugon. Dapat silang magbautismo sa pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Banal na Espiritu. Ang Kanyang pangalan ay dapat nilang maging sawikain, tanda ng pagkakilala, bigkis ng pagkakaisa, awtoridad para sa kanilang gawain, at pinagmumulan ng kanilang tagumpay. Walang makikilala sa Kanyang kaharian na hindi nagtataglay ng Kanyang pangalan at superskripsiyon. Noong sinabi ni Cristo sa Kanyang mga alagad, “Magsihayo kayo sa Aking pangalan at tipunin sa iglesya ang lahat ng mananampalataya,” malinaw na inilagay Niya sa kanilang harapan ang pangangailangan ng pagpapanatili ng kasimplihan. Kung mas kakaunti ang pagpaparangal at pagpapasikat, mas higit na malaki ang kanilang magiging impluwensiya para sa kabutihan. Dapat na magsalita ang mga alagad sa katulad na kapayakan na ginamit ni Cristo sa Kanyang pagsasalita.— The Acts of the Apostles, pp. 28, 29.KDB 310.2

    Hindi natin alam kung saang linya tatawagin upang maglingkod ang ating mga anak. Maaaring gugulin nila ang kanilang buong buhay sa loob ng tahanan; maaaring masangkot sila sa mga pangkaraniwang gawain ng buhay, o humayo bilang mga tagapagturo ng ebanghelyo sa mga lupain ng mga pagano; ngunit lahat ay tinatawagan upang maging mga misyonero para sa Diyos, mga ministro ng kahabagan sa sanlibutan. Dapat silang magkamit ng edukasyon na makatutulong sa kanilang manindigan sa panig ni Cristo sa hindi makasariling paglilingkod.— Prophets and Kings, p. 245.KDB 310.3

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents