Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Tayo'y mga Kamanggagawang Kasama Niya, Oktubre 2

    Yamang gumagawa kaming kasama niya, nananawagan din kami sa inyo na huwag ninyong tanggapin ang biyaya ng Diyos nang walang kabuluhan. 2 Corinto 6:1.KDB 290.1

    Sa buhay ni Cristo, napasailalim ang lahat sa Kanyang gawain, ang dakilang gawain ng pagtubos na Siya'y bumaba upang isakatuparan. At ang gayon ding pagtatalaga, ang gayon ding pagtanggi sa sarili at sakripisyo, ang katulad na pagpapasakop sa mga hinihingi ng Salita ng Diyos, ay dapat makita sa Kanyang mga alagad.KDB 290.2

    Ang bawat isang tumatanggap kay Cristo bilang kanyang personal na Tagapagligtas ay magnanasa para sa pagkakataon na maglingkod sa Diyos. Sa pag-iisip kung ano ang nagawa para sa kanya ng kalangitan, kinikilos ang kanyang puso ng walang-hangganang pagmamahal at nagpipitagang pagpapasalamat. Nananabik siyang ipakita ang kanyang pagpapasalamat sa pamamagitan ng pagtatalaga ng kanyang mga kakayanan sa paglilingkod sa Diyos. Nananabik siyang ipakita ang kanyang pagmamahal kay Cristo at para sa nabili Niyang mga pag-aari. Ninanasa niya ang pagsusumikap, paghihirap, at sakripisyo.KDB 290.3

    Gagawin ng tapat na manggagawa ng Diyos ang kanyang pinakamabuti, dahil sa paggawa nito'y maluluwalhati niya ang kanyang Panginoon. Gumagawa siyang matuwid upang pahalagahan ang mga hinihingi ng Diyos. Magsusumikap siyang pagbutihin ang lahat ng kanyang mga kakayanan. Gagampanan niya ang bawat tungkulin na parang ginagawa ito para sa Diyos. Ang tanging hangarin niya'y tanggapin ni Cristo ang pagsamba at ganap na paglilingkod.KDB 290.4

    May isang larawan na nagpapakita ng bakang nakatayo sa pagitan ng araro at altar, na may nakasulat na, “Nakahanda para sa alinman,” nakahandang gumawa sa bukid o maihandog sa altar ng sakripisyo. Ito ang katayuan ng tunay na anak ng Diyos—nakahandang magtungo kung saan siya tinatawagan ng tungkulin, na tanggihan ang sarili, na magsakripisyo para sa layunin ng Manunubos.— The Ministry of Healing, p. 502.KDB 290.5

    Kailangang gamitin ang mga talento, gaano man kaunti. Ang katanungang isinasaalang-alang nati'y hindi, “Gaano karami ang aking tinanggap?” kundi, “Ano ang ginagawa ko sa aking tinanggap?”— Christ’s object Lessons, p. 329.KDB 290.6

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents