Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Kanyang Sasalaing Lubos ang Iyong Dumi, Nobyembre 7

    Aking ibabaling ang aking kamay laban sa iyo, at aking sasalaing lubos ang iyong dumi tulad ng lihiya, at aalisin ko ang lahat ng iyong tingga. Isaias 1:25.KDB 327.1

    Kapag tinanggap sa pananampalataya, ang pagsubok na tila napakapait at mahirap tiisin ay magiging pagpapala. Ang malupit na hampas na sumisira sa mga kagalakan sa lupa ay magiging paraan upang itingin ang ating mga mata sa langit. Ilan nga ang hindi makakikilala kay Jesus kung hindi sila inakay ng kalumbayan na hanapin ang kaaliwan sa Kanya!— Thoughts From the Mount of Blessing, p. 10.KDB 327.2

    Sa lahat ng mga kaloob na maaaring ibigay ng kalangitan sa mga tao, ang pakikisama kay Cristo sa Kanyang mga paghihirap ang pinakamahalagang ipinagkatiwala at pinakamataas na karangalan. . . . Marami ang hindi gumagawa ng mga tiyak na panukala para sa hinaharap. Hindi pinag-isipan ang kanilang buhay. Hindi nila makita ang mga resulta ng mga pangyayari, at dahil dito'y madalas silang napupuno ng pagkabalisa at kaguluhan. Alalahanin natin na ang buhay ng mga anak ng Diyos sa mundong ito'y buhay ng manlalakbay. Wala tayong karunungan upang magpanukala para sa ating buhay. Wala sa atin ang paghuhubog ng ating kinabukasan. . . . Labis na marami, sa pagpapanukala para sa isang magandang kinabukasan, ay nabibigo. Hayaan mong ang Diyos ang magpanukala para sa iyo. . . . Hindi pinangungunahan ng Diyos ang Kanyang mga anak malibang piliin nilang mapangunahan, kung makikita nila ang wakas mula sa pasimula, at maunawaan ang maluwalhating layunin na kanilang ginagampanan sa pamamagitan ng pagiging kamanggagawang kasama Niya.— The Ministry of Healing, pp. 478, 479.KDB 327.3

    Ang Diyos ang dumadalisay ng mga kaluluwa; sa init ng hurno ay lubos na nahihiwalay ang dumi mula sa tunay na pilak at ginto ng Cristianong karakter. Minamasdan ni Cristo ang pagsubok. Alam Niya kung ano ang kailangan upang madalisay ang mahalagang metal upang ibalik nito ang kaningningan ng Kanyang banal na pag-ibig. . . . Kailangang magpatuloy ang gawain ng Diyos ng pagdadalisay hanggang sa ang Kanyang mga lingkod ay lubusang mapakumbaba, lubusang patay na sa kanilang sarili, na, kapag tinawag sa aktibong paglilingkod, ang kanilang layunin ay para lamang sa Kanyang kaluwalhatian.— Testimonies for the Church, vol. 4, p. 86.KDB 327.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents