Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Nagsusugo Siya ng mga Anghel na Tagabantay, Nobyembre 11

    Sapagkat siya'y magbibilin sa kanyang mga anghel tungkol sa iyo, upang sa lahat ng iyong mga lakad ay ingatan ka. Awit 91:11.KDB 331.1

    Nailapit ang langit sa lupa sa pamamagitan ng mahiwagang hagdanang iyon, na matibay na nakatanim sa lupa ang ibabang bahagi, samantalang umaabot sa trono ng Walang hanggan ang pinakamataas na baytang. Laging namamanhik at bumababa ang mga anghel sa hagdanang ito na nagniningning sa kaliwanagan, na nagdadala sa Ama sa langit ng mga panalangin ng mga nangangailangan at nagugulumihanan, at nagdadala ng pagpapala at pag-asa, katapangan at tulong, sa mga anak ng tao. Gumagawa ng makalangit na kapaligiran ang mga anghel na ito sa palibot ng kaluluwa, na iniaangat tayo tungo sa hindi nakikita at sa walang hanggan. Hindi natin mamamasdan ang kanilang mga anyo gamit ang ating likas na paningin; sa pamamagitan lamang ng espirituwal ns paningin natin makikita ang mga makalangit na bagay. Tanging ang espirituwal na pandinig ang makaririnig sa mga awitin ng makalangit na mga tinig. . . . Muli't muli na nakikipag-usap ang mga anghel sa mga tao na katulad ng pakikipag-usap ng isang tao sa kanyang kaibigan, at dinadala sila sa mga lugar ng seguridad. Muli't muli pinaninibago ng mga nagpapalakas na pananalita ng mga anghel ang mga nanghihinang espiritu ng mga tapat, at habang dinadala ang kanilang mga isipan sa ibabaw ng mga bagay sa lupa, ipinakikita sa kanila sa pamamagitan ng pananampalataya ang mga puting kasuotan, mga putong, mga sanga ng palms ng pagtatagumpay, na tatanggapin ng mga mananagumpay kapag nakapalibot na sila sa malaking puting trono.KDB 331.2

    Gawain ng mga anghel na lumapit sa mga nasusubok, nagdurusa, at tinutukso. Walang kapagalan silang gumagawa para sa kanila na pinagbuwisan ni Cristo ng Kanyang buhay.— The Acts of the Apostles, pp. 153, 154.KDB 331.3

    Habang umiinom ang mga anghel mula sa bukal, umiinom ang mga banal sa lupa mula sa mga dalisay na agos na umaagos mula sa luklukan, mga agos na nagpapasaya sa lunsod ng ating Diyos. O nawa'y makita nating lahat ang kalapitan ng langit sa lupa! . . . Alalahanin natin na ang ating mga papuri ay sinasaliwan ng mga koro ng hukbo ng mga anghel sa kaitaasan.— Testimonies for the Church, vol. 6, pp. 366, 367.KDB 331.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents