Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Isang Masikap na Espiritu, Oktubre 10

    Siyang lumalabas na umiiyak, na may dalang itatanim na mga binhi, ay uuwi na may sigaw ng kagalakan, na dala ang kanyang mga bigkis ng inani. Awit 126:6.KDB 298.1

    Gawin mo ang iyong pinakamabuti, at tatanggapin ng Diyos ang iyong mga pagsusumikap. Tanggapin mo ang tungkuling pinakamalapit sa iyo, at gampanan mo ito na may katapatan, at magiging lubusang katanggap-tanggap ang iyong gawain sa Panginoon. Sa iyong pagnanasang gumawa ng malaking bagay, huwag mong kaligtaan ang mga mas maliliit na gawaing naghihintay sa iyo.— Messages to Young People, p. 96.KDB 298.2

    Malapit na ang pagbabalik ni Cristo, at ito'y nagdudumali nang labis. Maigsi na ang panahong maaaring gumawa, at nangapapahamak ang mga lalaki't babae. Sabi ng anghel, “Hindi ba dapat na ang mga taong tumanggap ng malaking liwanag ay makipagtulungan sa Kanya na nagsugo ng Kanyang Anak upang magbigay ng liwanag at kaligtasan sa mga tao?” Magpapakita ba ng kakaunting pagpapahalaga ang mga taong tumanggap ng kaalaman ng katotohanan nang taludtod sa taludtod, tuntunin sa tuntunin, kaunti rito at kaunti roon, sa Kanya na dumating sa lupa upang ang Kanyang banal na kapangyarihan ay maging mana ng bawat kaluluwang nananampalataya? Sa ganitong paraan magiging mabisa ang pagka-diyos ni Cristo para sa kaligtasan ng lahi, at magiging pakinabang sa harap ng trono ng Diyos ang pamamagitan ng ating Dakilang Saserdote. Binuo ang panukala sa langit. Sila bang nabili sa napakataas na halaga ay mabibigong pahalagahan ang dakilang kaligtasan?— Testimonies for the Church, vol. 9, p. 105.KDB 298.3

    Dapat na makapasok sa bukiran ang mga misyonero bago pa sila mapilitang tumigil sa paggawa. May mga bukas na pintuan ngayon sa bawat panig; hindi sila dapat maghintay upang matapos ang mga taon ng pagsasanay; dahil kakaunti na ang mga natitirang taon, at kailangan nating gumawa samantalang may araw pa.— Fundamentals of Christian Education, p. 359.KDB 298.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents