Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Pagtatalaga ng Babaing Balo, Setyembre 27

    At sinabi niya, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, ang mahirap na babaing balong ito ay naglagay ng higit kaysa kanilang lahat. Sapagkat silang lahat ay naglagay mula sa kanilang kasaganaan, samantalang siya mula sa kanyang kahirapan ay inilagay ang lahat ng kanyang kabuhayan. Lucas 21:3, 4.KDB 284.1

    Ang mga mayayaman ay nagbigay mula sa kanilang kasaganahan, na marami sa kanila'y para makita at parangalan ng mga tao. Walang ipinagkait na kaginhawahan o kaya'y karangyaan sa kanila ng malalaki nilang donasyon; hindi nangailangan ang mga ito ng sakripisyo, at hindi maihahambing sa halaga ng kusing ng balo.KDB 284.2

    Ang motibo ang nagbibigay karakter sa ating mga gawa, na tinatatakan sila ng kahihiyan o mataas na kahalagahang moral. Hindi ang malalaking bagay na nakikita ng bawat mata at pinupuri ng bawat dila ang itinuturing ng Diyos na pinakamahalaga. Ang maliliit na tungkulin na masayang ginampanan, ang maliliit na regalo na hindi ipinagmamapuri, at sa paningin ng tao'y tila walang halaga, ay madalas na pinakamataas sa Kanyang paningin. Ang isang puso ng pananampalataya at pag-ibig ay higit na mahalaga sa Diyos kaysa pinakamahal na regalo. Ibinigay ng abang balo ang kanyang buong kabuhayan upang magawa ang kakaunting kanyang ginawa. Tinanggihan niya ang kanyang sarili ng pagkain upang maibigay ang dalawang kusing na iyon sa layuning kanyang iniibig. At ginawa niya ito sa pananampalataya, na naniniwalang hindi makaliligtaan ng makalangit na Ama ang kanyang dakilang pangangailangan. Ang hindi makasariling espiritung ito at pananampalatayang katulad ng sa bata ang nagkamit ng papuri ng Tagapagligtas.— The Desire of Ages, p. 615.KDB 284.3

    Upang maipahayag ang karakter ng Diyos, upang hindi natin malinlang ang ating mga sarili, ang iglesya, at ang sanlibutan sa pamamagitan ng huwad na Cristianismo, kailangan nating magkaroon ng personal na pagkakilala sa Diyos. Kung mayroon tayong pakikisama sa Diyos, tayo'y Kanyang mga ministro, bagaman maaaring hindi tayo nangaral sa isang kongregasyon. Tayo'y mga manggagawang kasama ng Diyos sa paghahayag ng kadalisayan ng Kanyang karakter sa sangkatauhan.— Testimonies for the Church, vol. 6, p. 13.KDB 284.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents