Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Mga Armas na Itinalaga ng Diyos, Oktubre 14

    Kasama ng lahat ng mga ito, taglayin ninyo ang kalasag ng pananampalataya, na sa pamamagitan nito ay inyong masusugpo ang mga nag-aapoy na palaso ng masama. At taglayin ninyo ang helmet ng kaligtasan, at ang tabak ng Espiritu, na siyang salita ng Diyos. Efeso 6:16, 17.KDB 302.1

    Nagbigay ang Diyos ng napakaraming pamamaraan para sa matagumpay na pakikipaglaban sa kasamaang nasa sanlibutan. Ang Biblia ang siyang taguan ng armas kung saan maaari tayong masangkapan para sa pakikipagtunggali. Dapat na bigkisan ng katotohanan ang baywang. Dapat na maging baluti natin ang katuwiran. Dapat ay nasa kamay natin ang kalasag ng pananampalataya, nasa ating ulo ang helmet ng kaligtasan; at gamit ang tabak ng Espiritu, na siyang Salita ng Diyos, dapat nating putulin ang mga hadlang at pagkagapos ng kasalanan. . . .KDB 302.2

    Sa pagtawag kay Timoteo sa harapan ng hukuman ng Diyos, inaatasan siya ni Pablo na ipangaral ang Salita, hindi ang mga kasabihan at kaugalian ng mga tao; na maging handang magpatotoo para sa Diyos kapag may pagkakataon— sa harap ng malalaking pagtitipon at sa mga pribadong samahan, sa lansangan at sa silid-tanggapan, sa mga kaibigan at kaaway, sa kalagayan na ligtas o nahaharap sa kahirapan at panganib, pandurusta at kawalan. . . . Dapat niyang ihayag ang pagtitiyaga at pagmamahal ni Cristo, na ipinaliliwanag at pinagtitibay ang kanyang pagsaway sa pamamagitan ng mga katotohanan ng Kasulatan.KDB 302.3

    Ang kamuhian at sawayin ang kasalanan, at kasabay nito'y magpakita ng kahabagan at pagmamalasakit para sa makasalanan, ay mahirap makamit. . . .KDB 302.4

    Dapat tayong magbantay laban sa labis na kahigpitan sa gumagawa ng kamalian; ngunit kailangan din nating mag-ingat na hindi mawala sa paningin ang matinding kasamaan ng kasalanan. Kailangang magpakita ng pagtitiyaga at pag-ibig na kagaya ng kay Cristo para sa nagkakasala, ngunit mayroon ding panganib na magpakita ng labis na pagpaparaya sa kanyang kamalian na anupa't titingnan niya ang kanyang sarili na hindi karapat-dapat na sawayin, at tatanggihan ito bilang hindi kinakailangan at hindi makatuwiran.— The Acts of the Apostles, pp. 502-504.KDB 302.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents