Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Sa Pagmamahal Para sa Iba, 20 Mayo

    Kaya kayo’y tumulad sa Diyos, gaya ng mga anak na minamahal, at lumakad kayo sa pag-ibig, gaya ng pag-ibig ni Cristo sa atin at ibinigay ang kanyang sarili para sa atin bilang handog at alay sa Diyos upang maging samyo ng masarap na amoy. Efeso 5:1, 2.LBD 145.1

    Dapat ninyong sundin ang Diyos bilang minamahal na mga anak, na maging masunurin sa lahat ng Kanyang mga hinihiling, at lumakad sa pag-ibig katulad ng pag-ibig ni Cristo sa atin. . . . Pag-ibig ang elemento kung saan kumilos at lumakad at nagtrabaho si Cristo. Dumating Siya upang yakapin ang mundo sa mga bisig ng Kanyang pagmamahal. . . .LBD 145.2

    Kailangang sundan natin ang halimbawang itinakda ni Cristo, at gawin Siyang ating huwaran, hanggang sa magkaroon tayo ng kaparehong pagmamahal sa iba tulad ng ipinakita Niya sa atin. Sinisikap Niyang itatak sa atin itong masidhing aral ng pag-ibig. . . . Kung nasanay ang inyong mga puso sa pagkamakasarili, hayaang punuin kayo ni Cristo ng Kanyang pagmamahal. Nais Niyang mahalin natin Siya nang lubusan, at hinihikayat, oo, iniuutos pa, na ibigin natin ang iba tulad ng ibinigay Niya sa atin bilang isang halimbawa. Ginawa Niyang sagisag ng ating pagiging alagad ang pag-ibig. . . . Ito ang sukat na dapat ninyong abutin,—“Kung paanong minahal ko kayo, magmahalan din kayo sa isa’t isa.” Anong taas, anong lalim at lawak ng pag-ibig! Ang pagibig na ito ay hindi lamang upang yakapin ang ilang mga paborito, ito ay ang abutin ang pinakamaliit at pinakamababa sa mga nilalang ng Diyos. Sinabi ni Jesus, “Yamang ginawa ninyo ito sa isa sa pinakamaliit sa mga kapatid kong ito, ay sa akin ninyo ginawa.” . . .LBD 145.3

    Ang pagmamahal at pakikiramay na gusto ni Jesus na ibigay natin sa iba ay di-puno ng sentimentalismo, na isang silo sa kaluluwa; isa itong pag-ibig na nagmula sa langit, na ipinakita ni Jesus sa pamamagitan ng tuntunin at halimbawa. Ngunit sa halip na ipamalas ang pag-ibig na ito, gaano kadalas na nahiwalay at napalayo tayo sa isa’t isa. . . . Ang resulta ay paglayo sa Diyos, isang pinaliit na karanasan, isang kasiraan sa paglagong Cristiano. . . .LBD 145.4

    Aktibong prinsipyo ang pag-ibig ni Jesus, na nagtatali ng puso sa puso sa mga bigkis ng samahang Cristiano. Naging perpekto na ang pag-ibig sa lupa ng bawat isang papasok sa langit; sapagkat sa langit, magiging pakay ng ating interes ang Manunubos at ang mga tinubos.— The Youth’s Instructor, October 20, 1892. LBD 145.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents