Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Ibinibigay Niya ang Bunga ng Espiritu, 26 Enero

    Sapagkat ang bunga ng liwanag ay nasa lahat ng mabuti, matuwid at katotohanan. Efeso 5:9.LBD 30.1

    Iisipin ba nating magagawa nating ayusin ang ating mga buhay at karakter upang makapasok sa mga pintuan ng kaluwalhatian? Hindi natin ito magagawa. Sa bawat sandali, umaasa tayo sa Espiritu ng Diyos na gumagawa sa atin at sa ating mga anak.LBD 30.2

    Kung nanaisin ng mga magulang na makakita ng kakaibang kalagayan sa kanilang mga sambahayan, kanilang ipasakop ng buo ang kanilang sarili sa Diyos, at gagawa ang Panginoon ng mga paraan kung paano magaganap ang pagbabago sa kanilang mga sambahayan.— Child Guidance, p. 172. LBD 30.3

    Nagbabantay sa inyo na may pag-ibig at kaawaan ang inyong mahabaging Manunubos, na nakahandang pakinggan ang inyong mga panalangin, at ibigay sa inyo ang kailangan ninyong tulong para sa inyong gawain. Mga elemento ng Cristianong karakter ang pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiyaga, kagandahang-loob, pananampalataya, at kabutihan. Mga bunga ng Espiritu ang mga mahahalagang biyayang ito. Korona at panangga sila ng Cristiano. . . . Walang makapagbibigay ng mas ganap na kapanatagan at kasiyahan.— The Signs of the Times, November 29, 1877. LBD 30.4

    Sa inyong pagtanggap ng Espiritu ni Cristo, . . . lalago at magbubunga kayo. Magpapahinog ang mga biyaya ng Espiritu sa inyong karakter. Lalago ang inyong pananampalataya, lalalim ang inyong pananalig, gagawing ganap ang inyong pag-ibig. Mas maaaninag sa inyo ang larawan ni Cristo sa lahat na dalisay, marangal, at maganda. . . .LBD 30.5

    Hindi magmamamaliw ang bunga, kundi makagagawa pa ng katulad nito na isang pag-aani patungo sa buhay na walang-hanggan.LBD 30.6

    “Ngunit kapag hinog na ang bunga, agad niyang kinukuha ang karit, sapagkat dumating na ang pag-aani.” Naghihintay si Cristo na may pagnanasa para sa paghahayag ng Kanyang sarili sa iglesia. Kapag nahayag ang karakter ni Cristo nang ganap sa Kanyang bayan, kung magkagayon darating Siya upang angkinin sila sa Kanyang sarili.— Christ’s Object Lessons, p. 69. LBD 30.7

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents