Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Natututuhan Nating Magsalita ng Wika ng Canaan. 6 Marso

    Ang Aking aral ay papatak na parang ulan; ang Aking salita ay bababa na parang hamog; gaya ng ambon sa malambot na damo, at gaya ng mahinang ambon sa pananim. Deuteronomio 32:2.LBD 70.1

    Dapat tayong maging mga saksi para kay Cristo; at magiging ganito tayo kung araw-araw tayong lalago hanggang sa ganap na kalakihan ng mga kalalakihan at kababaihan ni Cristo. Pagkakataon nating lumago nang higit at higit pa na katulad Niya sa bawat araw. Kung magkagayon magkakaroon tayo ng kapangyarihang ihayag ang pag-ibig natin para sa Kanya sa pananalitang mas mataas at dalisay, at lalawak at lalalim ang mga kaisipan natin, at magiging mas maayos at kapitapitagan ang paghatol natin, habang magkakaroon ng higit na buhay at katiyakan ang patotoo natin. Hindi tayo dapat mag-ingat ng wika ng makasanlibutan, at maging pamilyar sa mga pag-uusap ng mga tao, na anupa’t magiging bago at hindi kilala sa atin ang wika ng Canaan. Dapat tayong matuto sa paaralan ni Cristo; ngunit hayag na marami ang nalulugod sa kakaunting karanasan sa mga bagay na espirituwal, sapagkat ipinakikita nila ang kakaunting kaalaman tungkol sa mga bagay na espirituwal sa kanilang mga panalangin at mga patotoo. May higit na kakaunting mabuting paghatol ang ipinakikita sa mga bagay na tungkol sa ating mga pangwalang-hanggang interes kaysa mga bagay na patungkol sa ating makalupa at pansamantalang pinagkakaabalahan.LBD 70.2

    Dapat maging mga tapat na mag-aaral ang mga Cristiano sa paaralan ni Cristo, na natututo lagi nang higit tungkol sa kalangitan, sa mga gawa at kalooban ng Diyos; nang higit tungkol sa katotohanan at kung paano magamit nang may katapatan ang nakamit nilang kaalaman.— The Youth’s Instructor, June 28, 1894. LBD 70.3

    Ang maging dalisay, mabuti, at totoo ang pangunahing kinakailangan ng wika—“ang panlabas na kapahayagan ng panloob na biyaya.” . . . Tahanan ang pinakamabuting paaralan para sa wikang ito.LBD 70.4

    Gaya ng hamog at malumanay na mga patak ng ulan sa kaluluwa ang mabubuting mga pananalita. Sinasabi ng Kasulatan tungkol kay Cristo na ibinuhos ang biyaya sa Kanyang mga labi, upang Kanyang “malaman kung paanong aalalayan ng mga salita ang nanlulupaypay.” At inuutusan tayo ng Panginoon, “Ang inyong pananalita nawa’y laging may biyaya,” “upang ito ay makapagbigay ng biyaya sa mga nakikinig.”— The Adventist Home, p. 435. LBD 70.5

    Kapag dalisay ang puso, aagos mula dito ang saganang kayamanan ng karunungan.— The Adventist Home, p. 438. LBD 70.6

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents