Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Hindi Natin Babanggitin ang Pangalan ng Panginoon sa Walang Kabuluhan, 21 Pebrero

    Huwag mong babanggitin ang pangalan ng Panginoon mong Diyos sa walang kabuluhan, sapagkat hindi pawawalang-sala ng Panginoon ang sinumang gumagamit ng Kanyang pangalan sa walang kabuluhan. Exodo 20:7.LBD 56.1

    Ibinigay ang dahilan sa utos na ito: hindi natin dapat gamitin sa panunumpa “ang langit sapagkat iyon ang trono ng Diyos; kahit ang lupa, sapagkat ito ang tuntungan ng Kanyang mga paa; kahit ang Jerusalem, sapagkat iyon ang lunsod ng dakilang Hari. Huwag mong ipanumpa maging ang iyong ulo, sapagkat hindi mo magagawang puti o itim ang iyong buhok.” galing sa Diyos ang lahat ng mga bagay. Wala tayong inaangking hindi natin tinanggap; at, higit pa rito, wala tayong inaangking hindi nabili sa atin sa ng dugo ni Cristo.— Thoughts From the Mount of Blessing, p. 102. LBD 56.2

    Hindi dapat bigkasin ang mga salitang lipos ng mainit na damdamin, dahil sa paningin ng Diyos at ng mga banal na anghel, katulad ito ng panunumpa.— The Adventist Home, p. 439.LBD 56.3

    Hindi lamang nagbabawal ang utos na ito sa mga bulaang pangako at pangkaraniwang panunumpa, ipinagbabawal din nito ang paggamit sa pangalan ng Diyos sa magaan o walang pag-iingat na paraan, na walang pagpapahalaga sa nakatatakot na kabanalan nito. Sa hindi maingat na pagbanggit sa pangalan ng Diyos sa pangkaraniwang usapan, sa pagbanggit sa Kanya sa mga bagay na walang kabuluhan, at sa madalas at walang ingat na pag-uulit ng Kanyang pangalan, ay pinahihiya natin Siya. “Banal at kagalang-galang ang Kanyang pangalan.” Dapat magnilay ang lahat sa Kanyang karangalan, kadalisayan, at kabanalan, upang magkaroon ng pagkadama ang puso sa Kanyang napakataas na karakter; at dapat bigkasing may paggalang at karangalan ang Kanyang banal na pangalan.— Patriarchs and Prophets, pp. 306, 307. LBD 56.4

    Hindi tao ang dapat nating itaas at parangalan; ang Diyos dapat, ang tanging tunay at nabubuhay na Diyos, ang Siyang nararapat sa ating pagsamba at paggalang. Sang-ayon sa turo ng Kasulatan, nakasisirang puri sa Diyos na tawaging “reverend” ang mga ninistro. Walang nilalang ang may karapatang magdugtong nito sa kanyang pangalan o sa pangalan ng iba pang tao. . . . Pag-aari lamang ito ng Diyos, upang mahiwalay siya sa lahat ng iba pang mga “Banal at kagalang-galang ang Kanyang pangalan.” Nasisiraang puri natin ang Diyos kapag ginagamit natin ang salitang ito sa hindi nararapat. . . . Ang Ama at ang Anak lamang ang dapat itaas.— The Youth’s Instructor, July 7, 1898. LBD 56.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents