Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Pagtitiis, 22 Marso

    Sapagkat kailangan ninyo ng pagtitiis, upang kapag inyong nagampanan ang kalooban ng Diyos ay tanggapin ninyo ang pangako. Hebreo 10:36.LBD 86.1

    Walang kapayapaan o kasiyahan ang mga buhay ng ilan dahil hindi sila umaalis sa saklaw ng sarili. Palagi silang naghahanap ng simpatya mula sa ibang tao. Kung gagawa lamang sila upang makitaLBD 86.2

    kung paano sila maaaring makatulong sa iba, at mangungusap ng mga salita ng pag-ibig at kalakasang-loob, ang kanilang mga kaluluwa, na tuyo at nalulumbay ngayon, ay magiging gaya ng isang halamanang nadiligan.Kailangan mong matuto sa paaralan ni Cristo ng mga mahahalagang turo ng pagtitiis. Huwag kang masisiraan ng loob, kundi ituloy ang paggawa na may buong pagpapakumbaba. Dadalhin ka nito kay Jesus; pangungunahan ka upang pag-aralan ang Tularan. Nanaisin mong gumawa nang kagaya ng ginawa ni Jesus.— The Youth’s Instructor, May 4, 1886. LBD 86.3

    Tunay na darating ang mga pagsubok, kahit na sa mga ganap na nagtalaga. Labis na susubukan ang pagtitiis ng pinakamatiisin. . . . Madalas na katahimikan ang pinakamasakit na pagsawatang maaaring maibigay sa kanya na nagkasala gamit ang kanyang mga labi.LBD 86.4

    Kapag sila (ang mga bata at mga kabataan) ay nawawalan ng pagpipigil at nagsasalita ng mga masasakit na mga salita, madalas na katahimikan ang pinakamabuting landas na maaaring tahakin, na hindi tumatahak sa daan ng pagsaway o pakikipagtalo o panunuligsa. Madaling darating ang pagsisisi. Madalas makagagawa ng higit pa ang katahimikang ginintuan kaysa lahat ng mga salitang maaaring bigkasin.LBD 86.5

    Kapag walang pasensya, nag-aalala, at umaangal ang iba dahil hindi ipinasakop ang sarili, umawit ka ng mga awitin ng Siyon. Noong gumagawa si Cristo bilang anluwagi, minsan ay papalibutan Siya ng iba, at sinusubukang tanggalin ang Kanyang pasensya; ngunit magsisimula Siyang umawit ng ilan sa magagandang mga awit, at bago pa nila malaman kung ano ang kanilang ginagawa, nakisama na sila sa Kanya sa pag-awit, na naimpluwensyahan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu na naroon.— The Adventist Home, pp. 442, 443. LBD 86.6

    Ibinigay sa kanya [sa tao] ang sakdal na halimbawa ni Cristo at ang biyaya ng Diyos upang makaya niyang sanayin ang kanyang mga anak na maging mga anak ng Diyos.— Child Guidance, p. 475. LBD 86.7

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents