Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Si Enoc, Isang Anak ng Diyos na Lumakad Kasama ang Ama,14 Enero

    Lumakad si Enoc na kasama ng Diyos; at hindi na siya natagpuan sapagkat siya’y kinuha ng Diyos. Genesis 5:24.LBD 18.1

    Tungkol kay Enoc, nasusulat na nabuhay siya ng 65 taon, at nagkaroon ng anak na lalaki. Matapos noon lumakad siya kasama ang Diyos sa loob ng 300 taon. . . . Pagkatapos ipanganak ang una niyang anak, nakarating si Enoc sa mas mataas na antas ng karanasan. Nadala siya sa mas malapit na relasyon sa Diyos. Higit niyang natiyak ang kanyang mga pananagutan bilang isang anak ng Diyos.—. Patriarchs and Prophets, p. 84. LBD 18.2

    Taliwas sa buhay ng mga masasamang nasa palibot niya ang matuwid na buhay ni Enoc. Bunga ng kanyang paglakad kasama ng Diyos ang kanyang kabanalan, kadalisayan, at katapatang hindi lumiliko, samantalang resulta ng kanilang paglakad kasama ang mandaraya ng sangkatauhan ang kasamaan ng sanlibutan. Hindi pa nagkaroon at hindi na magkakaroon pa ng panahon kung kailan magiging kasing kapal ang kasamaan noong namuhay si Enoc ng isang buhay ng walang kapintasang katuwiran.— The S.D.A. Bible Commentary, vol. 1, p. 1088. LBD 18.3

    Sa gitna ng buhay ng masipag na paggawa, matapat na iningatan ni Enoc ang kanyang pakikipagniig sa Diyos. Habang dumarami at nagiging mabigat ang kanyang mga gawain, lalo namang naging patuloy at masikap ang kanyang mga panalangin. . . . Matapos manatili ng ilang panahon sa pagsisikap na makatulong sa mga tao sa pamamagitan ng pagututro at pagbibigay ng halimbawa, lalayo siya upang gumugol ng isang panahon sa pag-iisa na nagugutom at nauuhaw para sa banal na kaalaman na tanging ang Diyos lamang ang makapagbibigay. Sa ganitong pakikipagniig sa Diyos, mas nailarawan ni Enoc ang wangis ng Diyos. Nagniningning ang kanyang mukha na may banal na kaliwanagan, na siyang liwanag na kumikinang sa mukha ni Jesus. Sa kanyang pagbabalik mula sa mga banal na pagsasama, nakitang may pagkamangha, maging ng masasama, na ang tatak ng kalangitan sa kanyang mukha.— Patriarchs and Prophets, pp. 86, 87. LBD 18.4

    Dapat din tayong lumakad kasama ang Diyos. Kapag ginawa natin ito, maliliwanagan ang ating mga mukha ng kaningningan ng Kanyang presensya, at kapag nakasalamuha natin ang isa’t isa, mag-uusap tayo tungkol sa Kanyang kapangyarihan, na nagsasabing, “Purihin ang Diyos. Mabuti ang Diyos, at mabuti ang salita ng Diyos.”. . . At silang dadalhin sa langit sa katapusan ng kasaysayan, ay silang nakikipagniig sa Diyos dito sa lupa.— The S.D.A. Bible Commentary, vol. 1, p. 1087. LBD 18.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents