Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Lagi Siyang Nasa Harapan Natin, Hindi Tayo Matitinag, 21 Enero

    Lagi kong pinananatili ang Panginoon sa aking harapan; hindi ako matitinag, sapagkat Siya ay nasa aking kanan. Awit 16:8.LBD 25.1

    Sa gitna ng mga kabalisahang pumapasok sa kaluluwa, mayroon lamang Isa na Siyang makatutulong sa lahat ng ating mga kahirapan, at makapagpapagaan sa ating pagkabalisa. Dapat nating ilagak ang lahat ng ating kaabalahan kay Jesus, at isiping naririto Siya, at pinapatnubayan tayong makipagniig sa Kanya. Dapat nating panatilihin ang ating mga isipan sa Diyos; at sa ating kahinaan, magiging kalakasan natin Siya; sa ating kamangmangan, magiging karunungan natin Siya; sa ating karupukan, magiging nananatiling kalakasan natin Siya.LBD 25.2

    Maaari tayong makasigurong hindi na natin kailangang pumunta sa mga kalangitan upang pababain si Cristo sa atin, at maging sa kalaliman upang iakyat Siya; dahil nasa kanang kamay natin Siya, at laging nasa atin ang Kanyang paningin. Lagi dapat natin sikaping maunawaan na napakalapit sa atin ng Panginoon, para maging tagapayo at gabay natin. Ito lamang ang tanging paraan kung saan maaari tayong magkaroon ng pananalig sa Diyos.LBD 25.3

    Kailangan nating turuan at sanayin ang pag-iisip upang magkaroon tayo ng matalinong pananampalataya, at magkaroon ng umuunawang pakikipagkaibigan kay Jesus. Malibang patuloy nating pangalagaan ang pakikipagkaibigan sa pagitan ng Diyos at sa ating mga kaluluwa, mahihiwalay tayo sa Kanya, at lalakad na hiwalay sa Kanya. Makikipagkaibigan tayo sa mga nasa paligid natin, at ilalagay ng ating pagtitiwala sa katauhan, at maililihis ang pagmamahal natin mula sa tunay na layunin ng pagsamba. Hindi natin dapat pahintulutang mapalamig ng kalamigan ang ating pag-ibig para sa Manunubos. Kung may pakikisama tayo sa Kanya, palagi natin dapat ilagay ang Panginoon sa harapan natin, at ituring Siya bilang marangal na Kaibigan, na ibinibigay sa Kanya ang pinakamataas na lugar sa ating mga damdamin. Dapat tayong mangusap tungkol sa Kanyang mga hindi mapapantayang kagandahan, at palaging pagyamanin ang pagnanasang magkaroon ng mas mabuting pagkakilala kay Jesu-Cristo. Kung magkagayon magkakaroon ang Kanyang Espiritu ng kapangyarihang nangunguna sa ating buhay at karakter. . . . Kung mayroon mang panahon sa kasaysayan na kailangan ng mga tao ng presensya ni Cristo sa kanilang kanang kamay, ngayon ito. . . . Kailangang laging nasa tabi natin ang Kapitan ng ating kaligtasan.— The Youth’s Instructor, July 19, 1894. LBD 25.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents