Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Na Isinugo ng Diyos ang Kanyang Anak Para Mamatay Upang Mabuhay Tayo, 5 Enero

    Narito ang pag-ibig, hindi sa tayo’y umibig sa Diyos, kundi Siya ang umibig sa atin, at sinugo ang Kanyang Anak na panubos sa ating mga kasalanan. 1 Juan 4:10.LBD 9.1

    Sa pagtubos, inihayag ng Diyos ang Kanyang pag-ibig sa pamamagitan ng paghahandog, isang handog na napakalawak at napakalalim at napakataas na anupa’t hindi ito masusukat. “Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan na ibinigay Niya ang Kanyang tanging Anak. . . .”LBD 9.2

    Noong inihulog ng kasalanan ni Adan ang lahi ng sangkatauhan sa walang pag-asang kahirapan, maaari sanang inihiwalay ng Diyos ang Kanyang sarili mula sa mga nagkasalang nilalang. Maaari sana Niyang itinuring sila sa paraang karapat-dapat sa mga makasalanan. Maaari sana Niyang utusan ang mga anghel na ibuhos sa ating sanlibutan ang mga sisidlan ng Kanyang kagalitan. Maaari sana Niyang alisin ang madilim na bahid na ito mula sa Kanyang sansinukob. Subalit hindi Niya ito ginawa. Sa halip na palayasin sila mula sa Kanyang presensya, mas lumapit pa Siya sa nagkasalang lahi. Ibinigay Niya ang Kanyang Anak upang maging buto ng ating buto at laman ng ating laman. “At naging tao ang Salita at tumahang kasama natin, . . . puspos ng biyaya at katotohanan.” Inilapit ni Cristo, sa pamamagitan ng Kanyang relasyon sa sangkatauhan, ang mga tao sa Diyos. Dinamtan Niya ang Kanyang kadiyusan ng kasuotan ng katauhan, at ipinakita sa harap ng makalangit na sansinukob, sa harap ng mga sanlibutang hindi nagkasala, kung gaano iniibig ng Diyos ang mga anak ng tao.LBD 9.3

    Di-masukat ninuman ang kaloob ng Diyos sa tao. Wala Siyang itinira. Hindi pahihintulutan ng Diyos na masabing mayroon pa sana Siyang magagawang higit pa o makapagpapahayag pa sana sa sangkatauhan ng mas malaking sukat ng pag-ibig. Ibinigay na Niya ang buong kalangitan sa pagkakaloob kay Cristo.LBD 9.4

    Nagpasailalim sa pagpapakumbaba ang Kataas-taasan, na kasama ng Ama bago pa ang sanlibutan, upang Kanyang maitaas ang sangkatauhan. Tinatanggal ng propesiya ang lambong upang matunghayan natin ang luklukan ng kalangitan, upang makita natin sa luklukang iyon, na mataas at marangal, Siyang dumating sa ating sanlibutan sa anyong tao upang magdusa, upang malaslas ng mga latay, at masugatan dahil sa ating mga pagsuway.— Ellen G. White Manuscript 21, 1900. LBD 9.5

    Sa ganitong paraan ipinakita ng Diyos ang Kanyang pagmamahal para sa tao. Ibinigay Niya kay Cristo ang buong kalangitan, upang maibalik sa katauhan ang larawang moral ng Diyos. . . . Nakalaan para sa lahat ang Kanyang biyaya sa buong kalawakan nito.— The General Conference Bulletin, October 1, 1899. LBD 9.6

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents