Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Natututo Tayong Mag-ingat sa Kapalaluan at Pambobola, 7 Marso

    Kayo’y mag-ingat, baka sa inyo’y may bumihag sa pamamagitan ng pilosopiya at walang kabuluhang pandaraya, ayon sa tradisyon ng mga tao, ayon sa mga simulain ng sanlibutan, at hindi ayon kay Cristo. Colosas 2:8. LBD 71.1

    Isang sining ang pambobola kung saan nag-aabang si Satanas upang dayain at pagmalakihin ang tao sa pamamagitan ng mga matayog na mga kaisipan tungkol sa sarili. . . . Ang pambobola ay naging pagkaing bumuhay sa marami sa mga kabataan natin; at iniisip ng mga pumuri at nambola na gumagawa sila ng tama; ngunit mali ang kanilang mga ginagawa. Nakagawa ang papuri, pambobola, at pagbibigay-hilig nang higit para madala ang mga mahahalagang kaluluwa sa maling mga landas kaysa iba pang mga sining na binalangkas ni Satanas. Bahagi ng palatuntunan ng sanlibutan ang pambobola, ngunit wala itong bahagi sa palatuntunan ni Cristo. Sa pamamagitan ng panghihibo ang mga abang tao, na puno ng mga kahinaan at kakulangan, ay nag-iisip na magaling at karapat-dapat sila, at nagmamalaki sa kanilang makalamang pag-iisip. Nalalasing sila ng pag-iisip na nagtataglay sila ng kakayahang higit pa sa talagang kanilang tinataglay, at nawawalan ng kaayusan ang kanilang karanasang relihiyoso. Malibang sa pamamagitan ng tulong ng Diyos mapaliliko sila mula sa mga pandarayang ito, at mahihikayat, at matutuhan ang mga pangunahing katuruan ng relihiyon sa paaralan ni Cristo, hahantong sa kawalan ang kanilang mga kaluluwa. Maraming mga kabataan ang nabola na mayroon silang likas na kakayanan; samantalang makakamit lamang ang kakayahang iniisip nilang tinataglay sa pamamagitan ng masikap na pagsasanay at pag-aaral, na natututuhan ang kaamuaan at pagpapakumbaba ni Cristo. . . . Pinahihintulutan ng Diyos na lusubin sila ng kaaway, upang maunawaan nila ang sarili nilang kahinaan. Pinababayaan silang makagawa ng tiyak na pagkakamali at nasasadlak sa masakit na pagkapahiya. Ngunit kapag gumagapang sila sa pagkakakilala ng kanilang sariling kahinaan, hindi dapat sila hatulan nang labis. . . . Sa panahong ito nila kailangan ng kaibigan na . . . matiyaga at matapat na pakikitunguhan ang nagkamali. . . . Hindi dapat sila itaas sa tulong ng pambobola. . . . Kundi ituro sila sa unang mga baytang ng hagdan, at dapat malagay ang kanilang mga paang nagpapatirapa sa pinakamababang baytang ng hagdan ng pagsulong. . . . Sa pamamagitan ng tulong ng mga pantas na mga tagapayo, magiging tagumpay ang kanilang pagkatalo.— The Youth’s Instructor, May 24, 1894. LBD 71.2

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents