Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Iibigin Natin ang Ating Kapwa Gaya sa Ating Sarili, 15 Pebrero

    Ibigin mo ang iyong kapwa na gaya ng iyong sarili. Mateo 22:39.LBD 50.1

    Nag-uutos ang banal na kautusan sa atin na ibigin ang Diyos nang higit sa lahat, at ang ating kapwa na gaya sa ating sarili. Kung wala ang pagsasagawa ng ganitong pag-ibig, pagpapaimbabaw ang pinakamatayog na pag-angkin sa pananampalataya.— The Signs of the Times, January 10, 1911. LBD 50.2

    Matatagpuan ng sumasamba sa Diyos na hindi niya magagawang magingat ng kahit isang hibla ng ugat ng pagkamakasarili. Hindi niya magagawa ang kanyang tungkulin sa Diyos samantalang gumagawa ng pang-aapi kanyang kapwa. Ang ikalawang prinsipyo ng kautusan ay katulad sa nauna. “Ibigin mo ang iyong kapwa na gaya ng iyong sarili.” “Gawin mo ito at mabubuhay ka.” Ito ang mga salita ni Jesu-Cristo na hindi maaaring itanggi ng sinumang lalaki, babae, o kabataan na nagnanasang maging tunay na Cristiano. Ang pagsunod sa mga prinsipyo ng mga kautusan ng Diyos, ang siyang humuhulma sa karakter na maging katulad ng wangis ng Diyos. . . .LBD 50.3

    Pagsalangsang sa batas ng Diyos ang pagpapabaya sa naghihirap na kapwa. . . . Hindi lamang iibig sa kanyang kapwa siyang umiibig sa Diyos, kundi magbibigay ng matimyas na pagpapahalaga sa mga nilalang na ginawa ng Diyos. Kapag nasa tao ang Espiritu ng Diyos ay pinangungunahan siya nito na pagaanin ang paghihirap kaysa gumawa ng pagdurusa. . . .LBD 50.4

    Dapat tayong mag-aruga sa bawat kalagayan ng paghihirap, at tumingin sa ating mga sarili bilang kinatawan ng Diyos upang tulungan ang mga nangangailangan sa pinakamabuti nating makakaya. Dapat tayong maging mga kamanggagawa ng Diyos. May ibang nagpapakita ng malaking pagmamalasakit sa kanilang mga kamag-anak, mga kaibigan, at mga pinakamamahal, ngunit nabibigong maging mabuti at maalalahanin sa mga nangangailangan ng magiliw na pagtingin, na nangangailangan ng kabutihan at pag-ibig. Taglay ang mga masikap na damdamin, magtanong tayo: Sino ang aking kapwa? Ang buong sangkatauhan ang ating kapwa. Dapat tayong gumawa ng kabutihan sa lahat ng mga tao, at lalo’t higit sa mga kaanib ng sambahayan ng pananampalataya. Dapat tayong magbigay sa sanlibutan ng halimbawa ng kahulugan ng pagsunod sa kautusan ng Diyos. Dapat nating ibigin ang Diyos nang higit sa lahat at ang ating kapwa gaya ng ating mga sarili.— Undated Ellen G. White Manuscript 33. LBD 50.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents