Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Tinuturuan Tayo ng Kapighatian na Hangarin ang Kalangitan, 8 Marso

    Sapagkat inihahanda tayo nitong magaan at panandaliang kapighatian para sa walang-hanggan at di-masukat na kaluwalhatian. 2 Corinto 4:17.LBD 72.1

    Samantalang hindi ipinangako ng Panginoon na hindi masasaklaw ang Kanyang bayan ng mga pagsubok, nangako Siya ng bagay na mas mabuti. Sinabi Niya, “Kung paano ang iyong mga araw ay gayon nawa ang iyong lakas.” . . . Kung tinatawagan kayong dumaan sa nagniningas na hurno para sa Kanya, mapapasainyong tabi si Jesus, na gaya nang nakasama Siya ng tatlong tapat sa Babilonia. Ang mga nagmamahal sa kanilang Manunubos ay magagalak sa bawat pagkakataong makibahagi sa Kanyang pagkapahiya at pagkadusta. Ginagawang matamis ng pag-ibig na kanilang tinataglay sa kanilang Panginoon ang paghihirap para sa Kanya.LBD 72.2

    Inusig ni Satanas sa lahat ng mga kapanahunan ang bayan ng Diyos. Kanya silang pinahirapan at pinapatay; ngunit sa pagkamatay ay naging mga mananagumpay sila. Inilahad nila sa kanilang matibay na pananampalataya ang Isang mas malakas kaysa kay Satanas. Maaaring pahirapan at patayin ni Satanas ang katawan, ngunit hindi niya maaaring hipuin ang buhay na nakatago sa Diyos kay Cristo. Maaari siyang magpakulong sa mga bilanggguan, ngunit hindi niya maigagapos ang espiritu. Maaari silang tumingin sa kabila ng kalungkutan tungo sa kaluwalhatian, na nagsasabing: “Itinuturing ko na ang pagtitiis sa panahong kasalukuyan ay hindi karapatdapat maihambing sa kaluwalhatiang mahahayag sa atin.”. . .LBD 72.3

    Ang iglesia ng Diyos, na kinamumuhian at inuusig ng sanlibutan, ay tinuruan at nadisiplina sa paaralan ni Cristo. Lumalakad sila sa makikitid na landas sa lupa; dinalisay sila sa hurno ng paghihirap. Sumusunod sila kay Cristo sa mga mahihirap na mga pakikipagtunggali; tinitiis nila ang pagtanggi sa sarili, at dumaranas ng mga mapapait na mga kabiguan; ngunit nagtuturo sa kanila ang kanilang masasakit na karanasan ng kasamaan at pagdurusang dulot ng kasalanan, at tumitingin sila dito na may pagkapoot. Sa pagiging kabahagi sa mga paghihirap ni Cristo, magiging kabahagi sila sa Kanyang kaluwalhatian. Sa banal na pangitain, nakita ng propeta ang tagumpay ng bayan ng Diyos. Sinabi niya: “At nakita ko ang tulad sa isang dagat na kristal na may halong apoy, at ang mga dumaig . . . na nakatayo sa tabi ng dagat na kristal at may hawak na mga alpa ng Diyos. At inaawit nila ang awit ni Moises na alipin ng Diyos.”— Thoughts From the Mount of Blessing, pp. 50, 51. LBD 72.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents