Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Upang Maituon ang mga Kaisipan Natin kay Cristo, 12 Marso

    At magbago sa espiritu ng inyong pag-iisip. Efeso 4:23.LBD 76.1

    Maaaring maturuan ang mga kabataan ngayon para sa pagganap sa matataas at mga banal na layunin. . . . Mga mag-aaral sila sa paaralan ni Cristo, na natututo sa bawat araw ng mga aralin ng banal na Panginoon.— The Youth’s Instructor, October 25, 1894. LBD 76.2

    Sa mga kabataan ito na pinakamarubdob ang mga damdamin, pinakamalakas ang memorya, at pinakamadamdamin ang puso sa mga banal na kaisipan; at sa panahon ng kabataan ay kailangang maituon ang mga kapangyarihang pisikal at mental sa gawain upang maisagawa ang mga dakilang pagsulong sa pananaw ng sanlibutan na nangingibabaw ngayon, at doon sa darating.LBD 76.3

    Hindi halos matiyak ang dami ng kaalamang maaaring matanggap ng mga kabataang lalaki at babae; ngunit upang makaabot sa mataas na pamantayan, kailangan nilang isarado ang pintuan sa mga nakasisirang kaisipang ilalantad ni Satanas sa pag-iisip, at tumangging sumuko sa kanyang mga tukso. Maaaring matamo ng mga kabataan ang mga hindi kayang bilhin ng ginto, sa pamamagitan ng pagtataglay ng isang dalisay at matibay na layunin sa pagsisikap na makamit ang lahat na nilalayon ng Diyos na makamit nila. Kailangang sanayin ang pag-iisip na manahan sa mga matuwid na mga tema ng kaisipan. Kailangan nilang pag-aralan ang Kasulatan, at dalhin sa pangaraw-araw na kabuhayan ang mga banal na panuntunang ibinigay ng Diyos para sa gabay nila. Maaaring matagpuan Niyang tumanda sa paglilingkod sa Diyos na blangko ang kanyang isip tungkol sa mga bagay na nangyayari sa kanyang paligid, at maaaring mawala sa kanyang alaala ang mga kaganapan na kailan lamang naganap; ngunit palaging gising ang kanyang kaisipan sa mga tagpo at mga kaganapan ng kanyang kabataan. Makilala nawa ng kabataan ang kahalagahan na maingatan ang kanilang pag-iisip mula sa lahat ng mga gawaing nakapagpapababa; dahil makikita sa pagtanda ang kadalisayan o kawalang kadalisayan ng kabataan.— The Youth’s Instructor, October 25, 1894.LBD 76.4

    Ang mga katotohanan sa Biblia na tinanggap, ay magtataas sa isipan mula sa pagkamakasanlibutan at kabulukan. Kapag kinagiliwan ang Salita ng Diyos sa paraang nararapat dito, kapwa magtataglay ang kabataan at matatanda ng panloob na katuwiran, isang malakas na prinsipyo, na magbibigay sa kanila ng kakayanang tumanggi sa tukso.— Child Guidance, p. 506. LBD 76.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents