Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Pagpapakita ng Kahabagan sa Libulibong Umiibig sa Kautusan ng Diyos,16 Pebrero

    Ngunit pinagpapakitaan Ko ng wagas na pag-ibig ang libu-libong umiibig sa Akin at tumutupad ng Aking mga utos. Exodo 20:6.LBD 51.1

    Paghahayag ng karakter ng Diyos ang sampung banal na mga utos na binigkas ni Cristo sa bundok ng Sinai, at ipinakita sa sanlibutan ang katotohanan na may karapatan Siya sa buong sangkatauhan. Tinig ng Diyos mula sa kalangitan ang sampung utos na iyon ng pinakadakilang pag-ibig na maaaring mahayag sa tao na nangungusap sa kaluluwa sa pamamagitan ng pangako. “Gawin mo ito at hindi ka mahuhulog sa paghahari at kapangyarihan ni Satanas.” Walang negatibo sa kautusan na iyon, bagaman tila ganito nga. GAWIN ITO, at Mabuhay. . . . Ibinigay ng Panginoon ang Kanyang mga banal na kautusan upang maging moog ng pag-iingat na nakapalibot sa Kanyang mga nilalang.— The S.D.A. Bible Commentary, vol. 1, p. 1105.LBD 51.2

    Ginawa Niya ang lahat ng magagawa ng Diyos upang maihayag ang Kanyang dakilang pag-ibig at kahabagan sa iyo. “Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan na ibinigay Niya ang Kanyang tanging Anak, upang ang sinumang sa Kanya’y sumampalataya ay huwag mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang-hanggan.” Manahan ka kung magkagayon sa katiyakan ng pag-ibig ng Diyos. . . . Hindi dahil sa nauna tayong umibig sa Kanya; kundi “noong tayo’y mga makasalanan pa,” namatay si Cristo para sa atin, na gumagawa ng ganap at mayamang mapagkukunan para sa ating katubusan. Bagaman naging karapat-dapat tayo sa kagalitan at kahatulan ng Diyos sa pamamagitan ng ating pagsuway, ngunit hindi pa rin Niya tayo pinabayaan, na iniiwan tayong makipagpunyagi sa kapangyarihan ng kaaway sa ating kakaunting kalakasan. Nakikipaglaban ang mga makalangit na mga anghel para sa atin, at sa pakikisama sa kanila, maaari tayong maging mananagumpay sa lahat ng kapangyarihan ng kasamaan. . . . Habang lumalapit tayo sa Kanya sa pananampalataya, lumalapit naman Siya sa atin, na inaaampon tayo sa Kanyang sambahayan, at ginagawa tayong Kanyang mga anak na lalaki at babae.— Letter 98b, 1896. LBD 51.3

    Sa mga matapat sa Kanyang paglilingkod, naipangako ang kahabagan, hindi lamang hanggang sa ikatlo at ikaapat na henerasyon . . . kundi sa libu-libong mga henerasyon.— Patriarchs and Prophets, p. 306. LBD 51.4

    Hindi masusukat ang magiliw na mga kahabagan ng Diyos, at ang mga nagpapahalaga sa pag-ibig ni Cristo ay mapaninibago sa tunay na kabanalan, at madadala kay Cristo, ang nabubuhay nilang Pinuno. Magiging mga tagasunod sila ng Diyos bilang mga minamahal na mga anak.— The Youth’s Instructor, January 6, 1898. LBD 51.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents