Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Hindi Tayo Magkakaroon ng Ibang mga Diyos, 19 Pebrero

    Huwag kang magkakaroon ng ibang mga diyos sa harap Ko. Exodo 20:3LBD 54.1

    Sampung pangako na tinitiyak sa atin ang sampung utos kung susunod tayo sa kautusang nangingibabaw sa sansinukob.— S.D.A. Bible Commentary, vol. 1, p. 1105. LBD 54.2

    Walang kautusang moral na naibigay sa anumang bahagi ng Biblia na hindi inukit ng daliri ng Diyos sa Kanyang banal na kautusan sa dalawang tapyas ng bato. Ibinigay ang isang sipi kay Moises sa Bundok ng Sinai. Nagsasabi sa tao ang unang apat na mga utos ng kanyang tungkulin na paglingkuran ang Panginoon nating Diyos ng buong puso, at buong kaluluwa, at ng buong pag-iisip, at buong kalakasan. Kinakailangan nito ang buong pagkatao. Nangangailangan ito ng pag-ibig na napakamasikap, na napakamasidhi, na anupa’t hindi makapag-iingat ang tao sa kanyang kaisipan o damdamin ng anumang bagay na karibal ng Diyos; at magtataglay ang kanyang mga gawa ng lagda ng kalangitan. Pumapangalawa lamang ang lahat ng mga bagay kumpara sa kaluwalhatian ng Diyos. Dapat mahalin bilang nauuna ang ating Ama sa langit magpakailan man, ang kasiyahan at kayamanan, ang liwanag at kapunuan ng ating buhay, at ating bahagi magpakailan man.— Letter 15, 1895. LBD 54.3

    Hayaang sumamba at maglingkod ang mga tao sa Panginoong Diyos, at sa Kanya lamang. Huwag hayaang maitaas at paglingkuran bilang isang diyusdiyosan ang pagpapahalaga sa sarili. Huwag hayaang gawing diyus-diyosan ang pera. Kapag hindi pinasailalim ang senswalidad sa kontrol ng mas mataas na mga kapangyarihan ng pag-iisip, maghahari ang mga mabababang damdamin. Anumang bagay na pinaglalaanan ng hindi angkop na pag-iisip at paghanga, na labis na kinawiwilihan ng kaisipan, ay isang piniling diyos bago ang Panginoon.— Manuscript 126, 1901.LBD 54.4

    Si Jehovah, ang walang-hanggan, walang kamatayan, at hindi nilalang, Siya mismo ang pinagmumulan at nag-iingat sa lahat ng mga bagay. Siya lamang ang karapat-dapat sa pinakamataas na paggalang at pagsamba. Pinagbabawalan ang tao na magbigay ng pinakamataas na pagpapahalaga sa kanyang damdamin o sa kanyang paglilingkod sa anumang bagay maliban sa Diyos. Anumang pinahahalagahan natin na nakababawas sa ating pag-ibig sa Diyos o humahadlang sa ating paglilingkod sa Kanya, ay nagiging diyus-diyosan sa atin.— Patriarchs and Prophets, p. 305. LBD 54.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents