Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Pinapatnubayan Niya Tayo sa Lahat ng Katotohanan, 23 Enero

    Subalit kapag dumating na ang Espiritu ng katotohanan.Papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan. Sapagkat hindi Siya magsasalita nang mula sa Kanyang sarili, kundi ang anumang bagay na Kanyang marinig, iyon ang Kanyang sasabihin at Kanyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na darating. Juan 16:13.LBD 27.1

    Gagabayan ang bawat lingkod ng Diyos ng Banal na Espiritu. Wala sa tao ang pamamahala ng kanyang mga hakbang. Ang landas natin, gaano man kahirap, ay tiniyak na ng Panginoon para sa atin; at dito tayo dapat lumakad.—Ellen G. White Manuscript 42, 1901.LBD 27.2

    Gumawa ng paglalaan si Cristo upang maging isang katawang nabago ang Kanyang iglesia, na nasilayan ng liwanag ng kalangitan, na nagtataglay ng kaluwalhatian ni Emmanuel. Kanyang layunin na mapalibutan ang bawat Cristiano ng liwanag at kapayapaan. Walang-hangganan ang kapakinabangan ng isang taong, sa pagsasantabi sa sarili, ay nakagagawa ng puwang para sa paggawa ng Banal na Espiritu sa kanyang puso at mamumuhay ng isang buhay na lubos na nakatalaga sa Diyos. . . .LBD 27.3

    Katulad sa mga unang alagad, para rin sa atin ngayon ang pangako ng Espiritu. Bibigyan ng Diyos ang mga lalaki at babae ngayon ng kapangyarihan mula sa kaitaasan, gaya ng pagbibigay Niya nito sa mga nakarinig ng salita ng kaligtasan noong Araw ng Pentecostes. Sa mismong panahong ito, ang Kanyang Espiritu at ang Kanyang biyaya ay para sa kanilang nangangailangan sa mga ito at sa mga naniniwala sa Kanyang salita.— Testimonies for the Church, vol. 8, pp. 19, 20. LBD 27.4

    Ituro ninyo sa inyong mga anak na karapatan nilang tumanggap ng bautismo ng Banal na Espiritu.— Child Guidance, pp. 69, 70. LBD 27.5

    Hindi magiging panatiko ang mga nasa impluwensya ng Espiritu ng Diyos, kundi kalmado at matapat, malaya sa magarang pag-iisip, salita, o gawa. Sa gitna ng kaguluhan ng mga turong mapanlinlang, magiging gabay at pananggalang ang Espiritu ng Diyos sa kanilang hindi tumanggi sa mga ebidensya ng katotohanan, na nagpapatahimik sa bawat naiibang tinig maliban doon sa nagmumula sa Kanya na Siyang katotohanan.— Gospel Workers, p. 289. LBD 27.6

    Hahayo ang isang banal na impluwensya sa sanlibutan mula sa kanilang pinabanal sa pamamagitan ng katotohanan. . . . Gagawa ang Banal na Espiritu sa mga puso ng tao, na tinatanggap ang mga bagay ng Diyos at inihahayag ito sa tao.— Testimonies for the Church, vol. 9, p. 40. LBD 27.7

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents