Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Upang Matanggihan ang Tukso, 13 Marso

    Kaya’t pasakop kayo sa Diyos, labanan ninyo ang diyablo, at siya ay lalayo sa inyo. Santiago 4:7.LBD 77.1

    Lumalapit pa rin si Satanas sa mga anak ng mga tao dala ang kanyang mga tukso. Ginagamit niya ang bawat paraang magagamit niya upang magtago sa paningin, at ito ang dahilan kung bakit napakarami ang hindi nakababatid sa kanyang mga pakana. Ilang araw pa lamang ang nakalilipas, may nagtanong sa akin, “Naniniwala ka ba sa isang personal na diyablo?” “Oo,” ang naging tugon ko. “Kung magkagayon,” dagdag ng nagtanong, “Hindi ako naniniwala na mayroong ganitong nilalang. Ang ating mga masasamang pag-iisip at mga damdamin ang tanging mga diyablong maaari nating makilala!” “Ngunit,” tanong ko, “sino ang nagmumungkahi sa mga kaisipag ito? Saan sila nagmumula, kung hindi galing kay Satanas?” . . .LBD 77.2

    Kung paanong tiyak na mayroon tayong personal na Tagapagligtas, mayroon din tayong personal na kalaban, na malupit at matalino, na laging nagmamatyag sa ating mga hakbang, at nagpapakana upang maligaw tato. Makagagawa siya nang pinakamabuti sa pamamagitan ng pagkukunwari. Saan man tinatanggap ang opinyon na hindi siya totoo, doon siya pinakaabala. Kapag hindi natin inaasahan ang kanyang presensya, doon niya nakukuha ang kahigitan sa atin. Nababahala ako habang nakikita ko ang napakaraming kabataang nagpapasakop sa kanyang kapangyarihan habang hindi nila nalalaman. Kung nakita lamang nila ang panganib nila, tatakbo sila patungo kay Cristo, na Siyang kanlungan ng makasalanan.— The Youth’s Instructor, November 21, 1883. LBD 77.3

    Gawin ninyong layunin na maging mga mag-aaral sa paaralan ni Cristo, na natututong iangkop araw-araw ang inyong buhay sang-ayon sa banal na Tularan. Ituon ninyo ang inyong mga mukha patungo sa langit, at magtumulin kayo sa gantimpala ng inyong mataas na pagkakatawag kay Cristo Jesus. Takbuhin ninyong may pagtitiyaga ang karerang Cristiano, at tumayong mas mataas sa bawat tuksong darating sa inyo gaano man ito kahirap. Tanggihan ninyo ang diyablo, at lalayo siya sa inyo. Lumapit kayo sa Diyos; at kung ninanasa ninyong kunin ang unang hakbang pataas, makikita ninyong nakaunat sa inyo ang Kanyang kamay. Nananatili sa bawat isa sa inyo, kung lalakad kayo sa liwanag ng Araw ng Katuwiran o sa kadiliman ng kamalian. Maaaring maging pagpapala sa inyo ang katotohanan ng Diyos kung pahihintulutan lamang ninyo ang impluwensya nito na padalisayin at linisin ang inyong mga kaluluwa.— The Youth’s Instructor, May 30, 1895. LBD 77.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents